Wheelchair sa Lubang mula sa GO Share Foundation

Sa kabila ng kanilang kalagayan, nagkaroon ng magandang dahilan para ngumiti ang ilang senior citizens at iba pang indibidwal sa bayan ng Lubang, Occidental Mindoro.

Ito ay matapos makatanggap ng libreng wheel chair mula kay Mayor Michael Orayani.

INSIDE STORY:

Latest Featured Video:

Subscribe with Punto Mindoro YouTube channel for more videos.

Ang nasabing mga wheel chair ay mula naman sa GO Share Foundation, All-In-One Bayanihan Lubang Island na walang pag-aalinlangang ipinagkatiwala sa Pamahalaang Bayan ng Lubang upang maipamahagi sa karapat-dapat na benepisaryo na nangangailangan nito.

Kasama ni Mayor Orayani sa pagdadala ng ngiti sina Vice Mayor Charles Z Villas, OSCA Pres. Renato Tanglao, MSWD Personnel, General Services Personnel, Kap Allan Lomocso, Kap Solita Torregoza at Ka Bleza, at mga kawani ng Lubang LGU.

Samantala, nitong May 2, sa pangunguna ni Nhoel Gonzales at sa tulong na rin ng Armed Forces of the Philippines, ang GO Share Foundation ay nagdala din ng food packs, school supplies, tsinelas, sapatos at mga damit, water filters, computer laptop at printer, mga gamot at swab shields bilang bahagi ng All-Ine-One-Bayanihan sa bayan ng Lubang.

Pinaplano na rin ng grupo ang pagsasagawa ng medical mission subalit pansamantala munang ipagpapaliban dahil sa umiiral na quarantine status sa Maynila.

Source: Mayor Michael Orayani

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.