Wanted sa kasong frustrated murder, arestado sa San Jose

Arestado ang wanted na si alias “Bal” sa kasong frustrated murder sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, July 28.

Sa report ng San Jose Municipal Police Station, bandang 5:10 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang kapulisan sa Brgy. Poblacion 7 sa pangunguna ni Intel/MDEU Officer PCPT Rodrigo B. Borlado, Jr. na nagresulta sa pagkaka-aresto ni alias “Bal”.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Ang wanted na si alias “Bal” ay 33 taong gulang, may asawa, driver, at nakatira sa Brgy. San Roque, San Jose Occidental Mindoro.

Sa pagsubaybay ni San Jose MPS Acting Chief of Police PLTCOL William C. Sagmayao, inaresto si alias “Bal” sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may Criminal Case No. R-5408.

Ang Warrant of Arrest ay naisyu noong March 13, 2020 ni Hon. Jose S. Jacino, Jr., ang Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch sa San Jose, Occidental Mindoro.

WANTED
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang kaso ni alias “Bal” ay may nirekomendang piyansa sa halagang dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

IN THE NEWS:

Sa kasalukuyan, si alias “Bal” ay nasa kustodiya ng San Jose MPS habang inaasikao pa ang mga dokumento kaugnay ng kanyang kinakaharap na kaso.

__________

Source: San Jose Mps Pcr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.