29 na walang face mask, pinagmulta sa San Jose

Pinagmulta ang 29 na katao dahil sa walang suot na face mask at paglabag social distancing na ipinatutupad ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, June 28.

Sa operasyon na isinagawa ng San Jose Municipal Police Station sa pangunguna ni PLCOL William Sagmayao, ang mga nahuling indibidwal ay pinagmulta ng halagang isanlibong piso (P1,000) dahil sa walang suot na face mask at karagdagang limandaan piso (P500) para naman sa hindi pagpapanatili ng social distancing.

punto mindoro

FROM THE INSIDE:

Karamihan sa mga nahuli ay may angkas o magka-angkas sa motor na mahigpit ding ipinagbabawal.

FACE MASK
Pinangaralan ni PLTCOL William C. Sagmayao ng San Jose MPS ang mga nahuling walang face mask at hindi sumusunod sa social distancing. Photo by LGU San Jose. July 28, 2020.

Matatandaan na noong July 24 ay naglabas ng Executive Order No. 67 S2020 si Mayor Muloy Festin patungkol sa regular na pag-disinfect ng lahat ng pribado at paampublikong opisina at establisyamento.

Kasama rin sa kanyang ipinag-uutos ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 907 o ang “ORDINANCE REQUIRING THE MANDATORY WEARING OF FACE MASK, MANDATING STRINGENT PHYSICAL DISTANCING MEASURES AND IMPLEMENTING OTHER POLICIES AS THE NEW NORMAL IN THE MUNICIPALITY OF SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO” na akda ni Municipal Councilor Joel G. Aguilar.

Ang Municipal Ordinance No. 907 ay na-enact sa ika-15 Regular Session ng Sangguniang Bayan noong May 19 at inaprubahan naman ni Mayor Muloy Festin makalipas ang isang linggo, May 28.

TRIP NI BOKAL PHILIP: Ansiray & Ilin Island

TRIP NI BOKAL PHILIP: Ansiray & Ilin IslandBumisita tayo sa Brgy. Ansiray at Ilin Island sa bayan ng San Jose. First time ko rin ito na mag-voice over sa video. Pa-check nga mga tropa kung papasa sa inyong panlasa. Nagtampisaw din po kami dine malapit sa White Island. Baka po meron kayong lugar dyan o produkto na pwede po nating mai-feature. Message lang po kayo, gawan po natin kahit simpleng dokyu para maipakilala po natin. And mas maganda po kung meron tayong pwedeng "partner" as host po ng ating dokyu. :)Maraming salamat Kap. Marlon Ramintas at sa lahat po ng Kapitan ng 11 barangay ng Ilin Island, lalong higit sa inyo pong mamamayan. Kay Kon. Dionisio Cruz Malilay (San Jose) at Kon. Raul Villar Masangkay (Mamburao) sa inyong pag-alalay. At sa kasamahan natin sa Sangguniang Panlalawigan na si Bokal Bokal Aj Rebong.

Posted by Philip Ramirez on Thursday, July 23, 2020

Nilalaman ng Section 18 ng nasabing Ordinansa ang kaakibat na multa sa paglabag ng probisyon patungkol sa pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng social distancing:

A. FOR NOT WEARING OF FACE MASKS

  • 1ST OFFENSE. A fine of Php1,000.00 or imprisonment of 15 days, or both at the discretion of the court.
  • 2ND OFFENSE. A fine of Php1,5000.00 or imprisonment of 30 days, or both at the discretion of the court.
  • 3RD AND SUBSEQUENT OFFENSES. A fine of Php2,500.00 or imprisonment for a period of three (3) months, or both at the discretion of the court.

B. FOR NOT PRACTICING STRINGENT PHYSICAL DISTANCING

  • 1ST OFFENSE. A fine of P500.00
  • 2ND OFFENSE. A fine of Php1,000.00 or imprisonment of 15 days, or both at the discretion of the court.
  • 3RD AND SUBSEQUENT OFFENSES. A fine of Php2,500.00 or imprisonment for a period of two (2) months, or both at the discretion of the court.

C. FOR OTHER ACTS IN VIOLATION OF THIS ORDINANCE

  • 1ST OFFENSE. A fine of Php500.00
  • 2ND OFFENSE. A fine of Php1,000.00 or imprisonment of 15 days, or both at the discretion of the court.
  • 3RD AND SUBSEQUENT OFFENSES. A fine of Php2,500.00 or imprisonment for a period of two (2) months, or both at the discretion of the court.

IN THE NEWS:

face mask

Paliwanag pa ni PLCOL Sagmayao, ang ipinatutupad na batas ay para sa kaligtasan ng lahat dahil malaki ang maitutulong ng pagsusuot ng face mask at social distancing upang maiwasan ang hindi nakikitang sakit.

Nakiusap din si Mayor Festin na sana ay matuto ang kanyang kababayan na maging seryoso sa paglaban sa Covid-19.

EXECUTIVE ORDER NO. 67, Series of 2020

FACE MASK

MUNICIPAL ORDINANCE NO. 907, Series of 2020, Authored by Coun. Joel G. Aguilar:

FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY
FACE MASK MANDATORY

__________

Source: LGU San Jose

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.