Wala ng test, travel documents requirement ang uuwi ng Mamburao

Sa panayam kay Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing, hindi na required ang anumang test, tulad ng RT-PCR Test at Antigen Test, sa mga uuwi o magbibyahe patungo ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Hindi na rin aniya kailangan ang anumang travel documents tulad ng Travel Authority at Health Clearance Certificate.

INSIDE STORIES:

Kailangan na lamang gawin ng mga uuwi ay mag-accomplish ng online registration para sa mga impormasyon na kailangan mula sa uuwi.

Ganun pa man, binigyan diin niya na mahigpit na ipatutupad ang mga health protocols, lalo na ang mga nakasaad sa National IATF Guidelines para sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sa pag-uwi ng byahero, kailangan makapag-accomplish ng mga impormasyon sa online registration 48-oras bago ang petsa ng pag-uwi. Hintayin rin muna ang confirmation bago tuluyang bumiyahe. Ang makukuhang confirmation ang ipapakita sa Abra de Ilog Port para mapayagan na makapasok ng lalawigan o sa Mamburao.

Sa kasalukuyan ay inaayos pa ang online registration. At habang wala pa ito, pinapayuhan ang mga uuwi na kumuha muna ng Notice of Coordination sa Municipal Health Office at makipag-ugnayan sa kanilang barangay. Ito na rin muna ang ipakikita pagdating ng Abra de Ilog Port.

Samantala, hindi pa rin umano papayagan na makabiyahe ang edad 15 pababa at 65 pataas.

Pagdating sa Abra de Ilog, sasailalim muna sa health exposure assessment ang lahat. Inaasahan na maglalagay ng help/information desk ang Mamburao LGU sa nasabing pantalan. Matapos dito, obligado na dumaan muli sa LGU Contact Tracers sa compound ng munisipyo para sa pangalawang health exposure assessment. Matapos ito ay saka pa lamang papayagan na makauwi sa kanilang barangay. Ibig sabihin, hindi maaaring dumiretso ng uwi o sa uuwiang barangay mula Abra de Ilog Port.

Bagama’t naibahagi niya ang mga impormasyong ito sa kanyang panayam sa programang Hataw Mamburao sa The Bay 99.3 FM ni achorman Dennis Perez, dapat pa rin aniyang hintayin ang ilalabas na Executive Order ni Mayor Lyn Tria para sa opisyal na impormasyon.

Inaasahan na ngayong araw, March 9, ilalabas ang nasabing Executive Order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.