Vice Mayor Bong Marquez, suportado ang relokasyon ng Sitio Pandan

Nagpahayag ng kanyang suporta si Vice Mayor Bong Marquez para sa relokasyo ng Sitio Pandan sa Brgy. Claudio Salgado sa bayan ng Sablayan dahil sa hindi na mabilang na paglubog ng lugar sa tuwing mayroong bagyo, tulad na lang ng nagdaang bagyong Ulysses.

FROM THE INSIDE:

Base sa Facebook post ni Vice Mayor Bong Marquez, kaisa niya sa bagay na ito ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Junjun C. Ventura, Jr., Obet Z. Dawates, Mcking O. Legaspi at Marffin B. Dulay na kanya ring kasama nang magtungo siya sa Sitio Pandan noong November 12.

Sa pinagsama-samang tulong at ayuda, nagbigay din sila ng food relief assistance sa mga labis na naapektuhang residente ng lugar kasama ang mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro.

VICE MAYOR BONG MARQUEZ

VICE MAYOR BONG MARQUEZ

Dahil na rin sa kalunos-lunos na tanawin na tumambad sa kanila, bukod sa relocation at base na rin sa pakikipagpulong nila sa mga residente, ay nabuo ang dalawa pang rekomendasyon na maari nilang isulong sa Sangguniang Bayan at ilapit sa iba pang ahensya.

At isa na riyan ang planong ‘Restoration of Rivers and its tributaries o Dredging Activities in Heavily- Silted River Channels, kasama ang mga ilog ng Amnay, Patrick at Mompong’.

Ang mga ilog na ito ang pinanggagalingan ng tubig patungo sa ilog sa Sitio Pandan na umaapaw sa tuwing may malakas na pag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha.

Ayon pa kay Vice Mayor Bong Marquez, isa pa rin sa ikinokonsiderang option ay ang pagtatayo ng Evacuation Center na maaring pagkanlungan ng mga residente kung sakali man na imposible para sa kanila ang lumikas o ang paglipat sa matutukoy na relocation site.

VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ

Samantala, naging kaagapay din nila sa pagpunta at pagutlong sa mga residente ng Sitio Pandan sina Claudio Salgado Kagawad Metchie Daprosa, Renal Advincula, mga kawani ng Provincial Disaster Operations Center, Provincial Social Welfare and Devcelopment Office at ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Vice Mayor Bong Marquez:

Maagap na tumugon sina Vice- Mayor Bong B. Marquez, Sangguniang Bayan Junjun C. Ventura, Jr., Obet Z. Dawates, Mcking O. Legaspi at Marffin B. Dulay sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng bagyong Ulysses sa Sitio Pandan, Barangay Claudio Salgado, Nobyembre 12.

Kasama sa mabilis na aksyon sina Kagawad Metchie Daprosa ng Claudio Salgado, Renal Advincula, mga kawani ng Provincial Disaster Operations Center, Provincial Social Welfare and Development Office at ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro at kay Gob Ed B. Gadiano, personal ding inaalam ang kalagayan ng mga residente sa sentrong pamayanan, kaalinsabay ng inspeksyon sa pinanggagalingan ng malakas na tubig.

Inirekomenda din ang kagyat na pagpapatupad ng planong Restoration of Rivers and its tributaries o Dredging Activities in Heavily- Silted River Channels (kasama ang mga ilog Amnay, Patrick at Mompong) bilang interbensyon sa mga pagbahang nararanasan ng mga mababang pamayanan ng Sablayan.

Naipahayag din ang suporta sa planong relokasyon ng mga taga Sitio Pandan at ang pagsasaalang-alang sa seguridad at kaligtasan ng mga residente nito sa banta ng kalamidad, gayundin ang pagmamalasakit sa buwis ng taong bayan at ang mithiing magamit ito ng akma at tamang pamamaraan.

Ang pagtatayo ng maayos na Evacuation Center ay isa pa sa mga inihaing solusyon ng grupo.

SABLAYAN VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ
VICE MAYOR BONG MARQUEZ

__________

Source: Vice Mayor Bong Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.