Uniform, minimum price ng sibuyas, iminungkahi ni Alvaran

Nanawagan si Municipal Councilor Mercy Alvaran ng San Jose, Occidental Mindoro sa mga nagtatanim ng sibuyas sa nasabing bayan na magkaisa upang mabigyang daan ang pagtatakda ng uniform at minimum price ng kanilang produkto.

Sa kanyang Facebook post, tinawagan din niya ang pansin ng mga mamimili at ahente ng sibuyas na ‘huwag samantalahin at pababain ng presyo‘ ng sibuyas.

Malaki aniya ang hirap ng magsasaka sa mahigit tatlong buwang pangangalaga sa nito tulad ng pagpapatubig, bukod pa ang mga gastos bago pa maani ang kanilang sibuyas.

‘Ang iba ay ipinangungutang pa’, aniya.

INSIDE STORIES:

Dagdag pa niya, maging pareha sana ang mga buyers at ahente at huwag maghangad ng malaking kita na nagreresulta naman sa higit pang paghihirap ng magsasaka.

Minimum price ng sibuyas

Hinimok din niya ang magsasaka na huwag pumayag sa masyadong mababang presyo na ibinibigay sa kanila ng mga buyers.

Para maiwasan ito, makabubuti aniya na magtakda ng minimum price ng sibuyas na patas sa mamimili, magtitinda, at konsumidores. Dapat aniya itong upuan at pagpulungan kasama pang higit na mapagtibay.

Magpatawag po tayo ng meeting sa mga onion farmers, magtakda tayo ng minimum na hindi naman tayo malulugi, may kita din cla at hindi magsa-suffer ang presyo sa market….ibig sabihin, fair sa lahat….minsan gusto ng mga ahente at buyers cla lang ang mabuhay at mamatay ang mga farmers.

SIBUYAS
Isa sa maraming taniman ng sibuyas sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. Photo by Kon. Mercy Alvaran. March 7, 2021.

Dapat din aniya na uniform ang presyo para kapakinabangan ng lahat ng nagtatanim ng sibuyas.

Matatandaan na nitong nagdaang taon ay bumaba sa P5.00 hanggang P8.00 ang naging bilihan kada kilo ng sibuyas. Hindi na umano dapat pa ito na muling mangyari, ani Alvaran.

Wag nating hayaang maging gaya ng dati na 5.00 – 8.00 lang ang per kilo….

Sentimyento ng netizens

Nakatawag naman ng pansin ng daang netizens ang kanyang panawagan. Dito na naglabas kani-kanilang hinaing kaugnay ng kalakaran ng presyo ng sibuyas.

Narito ang ilan sa kanilang mga kumento:

Camburay po, 38 nlng ang kilo ng sibuyas

Dennis Milan

Tama po kc kung mgkakaroon ng minimum price ang mga onion farmers..wala po mgagawa ang mga buyer kundi sumunod s presyo ng mgA farmers kesa wala silang mabili.

Charisse Carlos

Yan ang tama, magkaisa ang mga onion farmers sa price. Para kapag dumating dyan ang buyer kung saan lupalop man galing, wala sila mabibili sa presyo na gusto nila. Kayo ang masusunod. At siguradong-sigurado na bibilhin nya ang sibuyas nyo sa presyong gusto nyo. Kasi mas malaki ang lugi nya kapag wala sya nabili, lalo na at nag-hire siya ng sasakyan. May load at wala ang trak siguradong may bayad yun. So bibilhin ang mga sibuyas nyo para may karga pauwi ang hinahire nya trak. Pagkakaisa ng bawat farmers ang magpapaganda ng presyo.

Lorna Mulingbayan

Ayon naman kay netizen Anita Pajilan Montillana, mas mabibigyan ng proteksyon ang interest ng mga magsasaka kung mayroong samahan ng mga nagtatanim ng sibuyas sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Nasa P10.00 lang umano ang bawas sa mga inputs na kanilang binibili, at naka-depende pa rin sa halaga ng binibili.

Makatarungan na para sa farmer at consumer kung P50.00 ang farm gate price ng sibuyas at P80.00 retail price naman sa palengke, ayon kay Joel Villanos Tena.

JJ PARES. Isa sa masarap tambayan na kainan sa Aroma Beach, San Jose, Occidental Mindoro.

Pero lumalakad na umano sa P38.00 – P40.00 ang bilihan na para kay Nhida Obania ay ‘sobrang baba’. Mas mainam aniya kung aabot ng P50.00 – P60.00.

Sa kasalukuyan ay wala pang naitatakdang araw kung kailan ang magiging pagpupulong. Iniwan na ni Alvaran sa mga magsi-sibuyas desisyon kung kailan nila nais na pagtalakayan ang isyu.

Sa pinakahuling datus ng Department of Agriculture, March 5, na presyo ng red onion sa mga ‘selected markets’ sa Metro Manila, nasa P140.00 ang pinakamataas na presyo per kilo habang P100.00 naman ang pinakamababa.

_____

Sundan ang diskusyon sa post ni Kon. Alvaran dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.