Tikman ang sarap ng ChicaFeet ng OMSC students!

Nasubukan mo na ba ang masarap at malutong na ChichaFeet ng OMSC students?

Isa sa mga grupo na maswerteng nabigyan ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng DSWD – Sustainable Livelihood Program (SLP) noong February 2021 ay ang mga kabataang mag-aaral ng Occidental Mindoro State College – Mamburao Campus.

INSIDE STORIES:

Makalipas ang ilang buwan, opisyal nang nasimulan ang kanilang operasyon tungo sa pangarap na business enterprise na ‘Chichafeet’. Ang kanilang produkto ay chicharon gawa sa paa ng manok na mas pinasarap at pinalutong na pasok sa panlasa ng mga kababayan.

chichafeet omsc
Ang maswerte at matatapang na OMSC students na sumubok sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng kanilang Chichafeet.

Ang maswerteng mag-aaral ay kinabibilangan nina Nicky Rose Pajes, Eusemarie Evangelista, Dominic Dela Cruz, Joyce Robledo, Kyla Mean Estigoy, April Cuaresma , Christibe Comiso, Winlyn Antonio at Princess Alacanices.

Ang ganitong proyekto ay bahagi ng programa ng College of Business Administration and Management (CBAM) na naglalayong mapagtibay at mapaunlad ang ‘entrepreneurial skills’ ng kanilang mag-aaral, ganun din ay aktwal na mai-apply ang kanilang mga natutunan mula sa kanilang kurso sa OMSC.

chichafeet omsc

At kung mayroon mang natutuwa sa mga naging resulta ng pagpupunyagi ng kanilang mag-aaral, ito ay walang iba kundi sina Dr. Judy Agutaya Catalo at OMSC – Mamburao Campus Director Dr. Cris Abeleda Caponpon.

Asahan ang ‘roll out’ sa merkado ng ChichaFeet sa mga susunod na linggo.

Para sa iba pang impormasyon, maari silang kontakin sa mga sumusunod:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.