Sinong may kasalanan sa 2 buwan na delayed na sweldo ng JO at contractual

Sa 60th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan, muling napag-usapan ang isyu ng delayed na sweldo ng mga J.O. at contractual employees na health workers sa San Jose District Hospital ng lalawigan ng Occidental Mindoro, October 6.

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Sa paglalahad ni Bokal Sonia Pablo, dumagsa ang mga personal messages sa kanya na nagsusumbong na hindi pa natatanggap ng mga JO at contractual workers and kanilang sweldo para sa buwan ng July at August. At ang itinuturo umanong dahilan ay ang Sangguniang Panlalawigan.

Hindi napigilan ni Bokal Pablo ang magpahayag ng pagkadismaya tungkol dito dahil noon pang September 22 naipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang Supplemental Budget No. 4. Nakakapagtaka rin aniya kung bakit ang pagpasa ng Supplemental Budget No. 4 sinasabing dahilan ng pagkaantala ng sweldo ng para sa buwan ng July at August gayung ito ay para sa buwan ng October, November at December.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Board Member Sonia Pablo. October 6, 2020.

Paliwanag niya, tatlong beses pa nagsubmit ng request para sa supplemental budget ang Pamahalaang Panlalawigan. Una ay sa halagang P45 milyon, Muli umanong nagsubmit ng halagang P61 milyon na sinundan pa ng pangatlong proposal sa halagang P56 milyon.

At kahit hindi pa man naiibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ang talagang pinal na halaga, inaprubahan na nila ito sa kagustuhan makatulong at bilang pagkilala sa kontribusyon ng health workers sa panahon ng pandemya.

Nakaabot din aniya sa kanyang kaalaman na hindi payagan ang disbursement para sa July – August dahil sa si Vice Gov. Peter Alfaro at SP Secretary pa lang ang nakapirma sa ‘advance copy’ ng Ordinansa para sa Supplemental Budget No. 4.

Sa pahayag ni BM Diana Apigo – Tayag, maging siya man ay nakakatanggap ng reklamo galling sa mga doktor at nurses ng San Jose District Hospital na hindi pa sila nakakatanggap ng sweldo ng dalawang buwan. Tama aniya na ang Supplemental Budget No. 4 ay para sa last quarter.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Vice Go. Peter Alfaro. October 6, 2020.

Kinumpirma din sa kanya ni Provincial Administrator Muriel Reguinding na dito kukunin ang ipapambayad para sa sweldo para sa buwan ng July at August.

Dagdag pa ni BM Tayag na hilingin sa Office of the Governor na magsubmit sa Sangguniang Panlalawigan ng ‘prior notice in case of deviation’ upang maisagawa ang ‘necessary amendment’ kung kinakailangan.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Board Member Philip Villaluna Ramirez. October 6. 2020.

Para kay Vice Gov. Peter Alfaro, marapat na maipatawag ang mga concerned individuals tulat ng Budget Officer, HRMO, at Provincial Administrator upang mabigyang linaw kung saan nagkaproblema sa proseso, upang sa ganun din ay mabigyang solusyon at agad na ma-address ang isyu ng delayed na sweldo.

Nagpahayag din ng kalungkutan si BM Bing Fajardo sa nangyayari dahil aniya, kung hindi man maya’t maya ay may natatanggap siyang tawag tungkol sa hindi natatanggap ng sweldo. Ganun pa man, inalam aniya niya ang pangyayari. Ayon sa kanya, natanggap ng Sangguniang Panlalawigan ang request for Supplemental Budget No. 4 noong Setembember 14 at nakasama ito sa agenda nang sumunod na araw, September 15. Inaprubahan din ito ng SP ng September 22, 2020. Subalit napa-receive ang advance copy ng approved ordinance para sa nasabing supplemental budget noong lang September 30. Na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nare-receive ang Governor’s Office ng advance copy ng tinutukoy na aprubadong ordinansa para sa Supplemental Budget. Dagda pa niya, maraming pang hinihinging amendments ang Pamahalaang Panlalawigan.

Para naman kay BM AJ Rebong, hindi niya makita ang dahilan kung bakit ang Supplemental Budget No. 4 ang “ginagawang sangkalan at hinahabol nila sa hindi pagsweldo at yung late na sweldo”. Binigyang diin din niya na ang pinaguusapang Supplemental Budget ay para sa sweldo ng October, November at December 2020. Aniya, bakit ito ang ginagawang dahilan kung hindi nakasweldo ng July, August, at September ang mga JO at contractual na health workers.

Tanong din niya kung nasaan na ang pondo para sa July, August, September salary. Ganun din ay nais niyang malaman ang mga circumstances na naging dahilan ng delayed ng sweldo.

Sa side ni BM Nestor Tria, importante aniya para sa kanya hindi mag-alisan ang mga doktor at nurses. Kung pagsweldo aniya ang isyu, sa unang buwan pa lang ng 2020 ay kunukulit n ani BM Pablo ang Sangguniang Panlalawigan bilang Chairman ng Committee on Finance na aprubahan ang lahat ng budget para maiwasan ang katulad ng pangyayari. Lahat naman aniya ang inaprubahan at walang dineny, maging pagdating sa supplemental budget.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Board Member Diana Apigo – Tayag. October 6. 2020.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Board Member Bing Fajardo. October 6. 2020.

Nakakapagtaka rin umano kung bakit dumating sa pagkaantala ng sweldo dahil wala naman na-deny na request ang Pamahalaang Panlalawigan.

Maya-maya pa ay dumating na rin sina Budget Officer, Provincial Administratior, at HRM Officer.

Nagbigay ng recap ng mga pinag-uusapan si BM Sonia at sinundan naman ng tanong ni Vice Gov. Peter Alfaro sa kung ano na ang status ng impelentation ng Supplemental Budget No. 4.

Paliwanang ni Provincial Budget Officer, present siya nang aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Ordinansa para sa Supplemental Budget No. 4. Makalipas ang ilang araw ay humingi siya ng ‘draft copy’ at nakatanggap siya ng isang ‘one-page draft ordinance’ na naglalaman ng impormasyon na aprubado na ang Ordinansa.

Ang nasabing papel ay pirmado ni Vice Gov. Peter Alfaro at Secretary to the Sangguniang Panlalawigan. Ipinakita din niya ito kay Provincial Administrator Muriel Riguinding na nag-advise sa kanya na dalhin ito sa Legal Office for information. Hindi na niya muling nakita pa ang nasabing papel mula noon.

Ganun pa man, dahil nalalaman niya na aprubado na ang Ordinansa, nagbigay na siya ng direktiba sa kanyang opisina na ihanda na ang mga dokumento ng JO at contractual employees para mabilis na maisagawa ang pagre-release ng pondo para sa sweldo bagama’t wala pang ‘issuance of certification for the availability of funds’.

Nilinaw pa rin niya na walang delay na nangyayari dahil prinaproseso nila ang mga dokumento. Ganun pa man, hinihintay pa rin ang official copy ng aprubadong ordinansa na pirmado na lahat ng mga Board Members.

Paliwanag ni Vice Gov. Peter Alfaro, ang ipinadalang kopya na pirmado niya ay ‘advance copy’ ng Ordinansa at valid ito na maaring maging basehan upang lumakad na ang mga dokumento para mga pondo na nakapaloob sa nasabing Supplemental Budget No. 4.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Board Member AJ Rebong. October 6. 2020.

Ayon pa rin sa kanya, bilang sagot sa tanong ni BM Rebong tungkol sa pinag-uusapang Supplemental Budget No. 4, mayroong aniyang kukuhing sweldo dito para sa buwan ng July – August para sa iba pang departments.

Muli namang nagtanong si BM Tria kung may pera pa ba para sa sweldo ng July, August at September. Dahil ang hiningi na supplemental budget ay para sa October, November, at December. Tinanong din niya kung nagalaw ba ang para sa nagdaang quarter at kung mayroong ibang napagkagastusan o sumubra sa estimate na naging dahilan ng delayed na sweldo. Aniya, supposedly ay naka-budget ito ay hindi dapat mawala ang para sa July at August.

Sa paliwanag ni Provincial Administrator, naiintindihan naman aniya ang mga pangyayari dahil kasama siya noong aprubahan ang ordinansa para sa Supplemental Budget No. 4. Ganun pa man, pagdating sa proper accounting documentation, hindi nila official mai-book ang budget ‘unless the official copy has been received’.

Ani Provincial Administrator Riguinding, kahit pa i-process nila ang appointment ng JO at contracuals, hindi pa rin ito susulong ang ‘recording of the transaction’ dahil hindi pa hawak ang ‘official documents for that matter’.

At bagama’t approved ang Ordinansa, hindi pa rin maii-process ang pasweldo at hindi makukumpleto ang process up to recording sa accounting hangga’t wala ang official document.

Paliwanag pa niya, hindi niya ikinokonsidera na mayroong delay dahil hanggang sa kasalukuyan ang wala pang hawak na appointment o contract ang mga JO at contractual employees. Magkakaroon lamang ng delay kung nakapag-issue na sila ng appointment.

Depensa pa rin ni BM Pablo na ang nasabing kopya na ipinadala kay Budget Officer Tria ay ‘allowed’ hanggat may pirma ito ng Vice Governor at attested by the Secretary to the Sangguniang Panlalawigan.

SWELDO JO COTRACTURAL DELAYED
Provincial Administrator Muriel Reguinding, Budget Officer Boy Tria, and HRMO representative. October 6, 2020.

Paliwanag pa ni BM Pablo, hindi pa rin magagawa ang final and official copy ng Ordinansa at hindi pa rin ito mapipirmahan ng lahat ng Board Members tulad ng hinihing dahil wala pang ibinibigay na ‘final amount’ ang Pamahalaang Panlalawigan para sa kabuuan ng Supplemental Budget No. 4.

Sa huli ay hiniling ni BM Philip Villaluna Ramirez na tapusin muna ang isyu ng Supplemental Budget No. 4 dahil sumasanga na ito sa ibang isyu. At kung manpower man ang pag-uusapan, kung maaari ay huwang i-single out ang San Jose District Hospital dahil mayroong pang ibang community at district hospitals na nangangailangan din ng ayuda at manpower.

Para naman kay BM Michelle Rivera, unahin muna na maibigay ang delayed na sweldo ng mga JO at contractual employees. ‘First thing first’, aniya. At sa pangalawang pagkakataon ay hinihiling niya na maimbitahan at personal na makausap sa Sangguniang Panlalawigan ang Administrative Officer ng concerned district hospital para wala nang paligoy-ligoy pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.