SPPF water system, 90% complete

Sa inilabas na impormasyon ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) – Public Information Office, October 5, nasa 90% na ang kanilang nagagawa para makumpleto ang kanilang water system at inaasahang matatapos sa mga susunod na araw.

FROM THE INSIDE:

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Ayon sa SPPF, ito ay isa sa mga proyekto ni CSINSP Jayferson G. Bon-as kung saan layunin niya na magkaroon ng malinis na tubig ang mga opisina, kabahayan at dormitoryo ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa loob ng kanilang nasasakupan.

SPPF

Base sa Facebook page post ng Punto Mindoro noong August 27, matatandaan na noong August 24, 2020 ay naglabas ng Memorandum ang SPPF na pirmado ni CSINSP Jayferson G. Bon-as kung saan ipinapaalam permanente nang isinasara ang noon ay sumisikat na “water terraces falls” na matatagpuan sa isang liblib na lugar sa Penal Farm.

SPPF
SPPF

Ayon sa Memorandum:

The preservation of the SPPF Water Reservoir rooting from the Water Terraces Falls is a major concern during dry seasons, where most of the employees and experience difficulty of getting supply of water for their households. Especially for our PDL under custody, potable water is very essential in everyday life. Any contamination that the mob might bring will greatly affect the health of persons benefiting from it. With this, Water Terraces Falls is considered a Restricted Area.

Sa mga larawan na nai-post ng SPPF, makikita na nilalagyan na ng cover ang kanilang water reservoir. Mula dito ay tutungo o dadaloy ang tubig sa mga benepisaryo nito sa loob ng Colonya.

Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng supervision ng ni Director General Gerald Q Bantag.

SPPF
SPPF

__________

Source: SPPF – Public Information Office. Click here to see original post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.