Special Risk Allowance at MESU, tinalakay sa Mamburao Health Board meeting

Nagpulong ang Mamburao Local Health Board at Nutrition Council upang talakayin ang nutrition status sa bayan, Special Risk Allowance, at pagtatalaga ng Municipal Epidemiology and Surveillance Unit, July 2.

INSIDE STORIES:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Municipal Epidemiology And Surveillance Unit

Ang pagkakaroon ng Municipal Epidemiology And Surveillance Unit (MESU) ay isa rin sa mga itinatakda ng Mandanas Ruling. Pangunahing function nito ay ang mahigpit na monitoring ng mga sakit at epidemya para sa mabilis na pagtugon sa mga ito

MAMBURAO HEALTH BOARD
Mamburao Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing. July 2, 2021.


Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing, sa kasalukuyan ay ‘designated’ lamang ng MESU Officer na mayroon pa rin ibang duties and responsibilities na ginagampanan.

Para naman kay Mayor Lyn Tria, isasama niya sa agenda ng paggawa ng municipal budget para sa taong 2022 ang MESU base na rin sa rekomendasyon ng Council at Dr. Rasing. Pero bago ito ay kakailanganin muna ang Ordinansa mula sa Sangguniang Bayan.

Regular Checkup


Samantala, bilang Chairman ng Committee on Health ng Sangguniang Bayan, nagbigay suhestyon si Kon. Boy Olfato na kung maaari ay maibalik ang regular na checkup. Dapat din aniya na maisama o mabigyan ng regular checkup ang mga kawani ng TPMED, PNP, MDRRMO, at iba pang nasa frontline sa paglaban sa Covid-19. Ganun din ay magkaroon din nito ang mga senior citizens.

MAMBURAO HEALTH BOARD
Sangguniang Bayan Committee on Health Chairman Kon. Boy Olfato. July 2, 2021.


Sagot naman ni Dr. Rasing, sa kasalukuyan ay nakatuon pa ang kanyang opisina sa pagsasagawa ng bakuna dahil na rin sa mga direktiba mula sa Department of Health. Lalong higit ay ang pagsasagawa ng mga contact tracing at pag-aasikaso sa mga nagpopositibo sa Covid19.

Ganun pa man, unti-unti naman aniya ay tumatanggap sila ng pasyente para magpa-checkup. Ngunit sa kasalukuyang estado ay hindi pa nila maibabalik ‘in full operation’ ang regular checkup.

Special Risk Allowance (SRA)


Inaprubahan din ng Council ang pagkakaloob ng Special Risk Allowance (SRA) sa mga frontliners na aktwal na humaharap at nakakasalamuha ng positive Covid-19 patients.

Base naman ito sa Administrative Order No. 42 S2021 at DBM-DOH Joint Memorandum Circular No. 2 S2021.

MAMBURAO HEALTH BOARD
Mamburao Mayor Lyn Tria. July 2, 2021.


Ang pondo para sa SRA ay magmumula sa national government at kinakailangan lamang na i-certify ng LGU, Council, at MHO ang mga karapat-dapat na tatanggap.


Sa huli ay nagbigay ng update sa estado ng Covid-19 cases si Dr. Rasing.
Inaprubahan din ng Council ang pagbibigay ng

Click here for more photos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.