Slaughterhouse ng Mamburao, binisita ng NMIS

Target sana ni Municipal Veterinarian Dr. Nathaniel Descanzo na ma-accredit ang slaughterhouse ng Mamburao bilang isang Class AA Slaughterhouse.

FROM THE INSIDE:

Matapos inspeksyunin at bisitahin ang slaughterhouse ng Mamburao, nagkortesiya ang mga kawani ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa opisina ni Mayor Lyn Tria upang ipaabot ang kanilang mga suhesyon upang higit pang mapabuti ang operasyon nito.

Ayon sa kanila, may ilang kagamitan pa na dapat ma-upgrade at madagdagan para sa mas mabilis at epektibong operasyon. At matutugunan ay hindi malayo na makakuha ng Class AA accreditation ang nasabing slaughterhouse.

SLAUGHTERHOUSE MAMBURAO
Mamburao Municipal Veterianarian Dr. Nathaniel Descanzo. January 27, 2021.

Paliwanag ni Municipal Veterinarian Doc Nathaniel Descanzo, ang nasabing slaughterhouse ay naipatayo gamit ang pondo mula din sa NMIS sa panahon ng nagdaang administrasyon.

Ganun pa man, noong unang termino lang ni Mayor Tria ito muling nakatanggap ng pondo na siyang ginamit upang maipaayos ang building at makabili ng iba pang kagamitan.

IN THE NEWS:

Para naman kay Mayor Tria, bukas ang kanyang administrasyon para sa mga rekomendasyon ng NMIS at susuportahan niya ito ng pondo ng LGU upang higit pang mapaganda ang operasyon ng Mamburao slaughterhouse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.