Cong. Sato, tinugon ang pangangailangan ng Sitio Danlog

Matapos ang pagdalaw sa Camurong, Abra de Ilog noong September 4 at bilang pagtugon naman sa pangangailangan ng mga katutubong Mangyan, tinungo ni Cong. Josephine Ramirez – Sato ang Sitio Danlog sa Brgy. Monte Claro sa bayan ng San Jose, September 7.

Sa kanyang pagpunta ay dala-dala niya ang mga ayuda tulad ng printer at bond papers para sa guro ng Alternative Learning System sa kanilang komunidad. Bukod dito, isang sound system din ang kanilang tinaggap na kanilang magagamit para sa paulit-ulit na pagpapatunog ng mga aralin na maririnig sa buong pamayanan.

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Sa ganitong paraan, inaasahan na mas magiging madali para sa mga batang mag-aaral ang matutunan at manatili sa memorya ang mga paksang aralin. Ang nasabing pamamaraan ay bunsod na rin ng limitadong face-to-face learning and teaching method upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Alinsunod din ito sa mga polisyang ipipinatutupad ng Department of Education.

SITIO DANLOG MONTE CLARO SAN JOSE JOSEPHINE RAMIREZ SATO
SITIO DANLOG MONTE CLARO SAN JOSE JOSEPHINE RAMIREZ SATO

Habang nabigyan ng pansin ang educational needs ng mag-aaral, tinugon din ni Cong. Nene Sato ang kanilang pangangailangan para sa mabilis na daloy ng tubig sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang water pump.

Ayon sa mga purok leaders, malaking tulong sa bawat tahanan ang magkaroon ng maayos na supply ng tubig, ganun din ay may dahilan na sila para higit pang maalagaan ang kanilang mga tanim at halaman.

Para naman sa maisaayos ang kanilang bahay pulungan, nagbigay pa rin si Cong. Nene Sato mga sako ng semento, yero at iba pang mga kagamitan upang mabuo ito.

SITIO DANLOG MONTE CLARO SAN JOSE JOSEPHINE RAMIREZ SATO

Ang bahay pulungan ang magsisilbing avenue para sa makabuluhang palitan ng kuro-kuro para sa maayos na pamamalakad sa komunidad ng Sitio Danlog.

Samantala, bilang pagkilala sa karapatan ng katutubong mangyan sa lupang sinilangan, inilatag na rin Cong. Sato ang mga proseso na dapat gawin para maisa-ayos na ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) o lupaing ninuno ng mga katutubong Mangyan. Ito ay upang magkaroon na sila ng legal na pagmamay-ari sa kanilang lupain.

SITIO DANLOG MONTE CLARO SAN JOSE JOSEPHINE RAMIREZ SATO
Cong. Josephine Ramirez – Sato.

Sitio Danlog is a small community of around a hundred Mangyan families in Barangay Monte Claro, San Jose, Occidental Mindoro. From the highway going to Calintaan, there is a small ‘road’ which leads to a 15-minute trek across a river and into the sitio. The path is wide enough to fit a truck, but the rocks make sure that it couldn’t pass. Danlog sits at the foot of a mountain range connecting to Mt. Baco, and lush vegetation surrounds it on all sides. Danlog, in the Buhid language, means ‘slippery’.

Danlog is one the many communities in Mindoro inhabited by indigenous Mangyan. Usually deep in the Mindoro countryside, the Mangyan live an uncomplicated agrarian life with basic necessities. The Tunay na Alyansa ng Bayan Alay sa Katutubo (TABAK) notes that Mangyan rarely get government assistance for social services and are in the worst cases, hit by militarization and human rights abuses.

The Mangyan struggle in Mindoro by Justin Umali | BULATLAT.COM

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOG

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOGSeptember 4, 2020Konting paghihintay na lang at matatapos na ang kalsada ng Abra de Ilog na magdudugtong sa Oriental Mindoro. Malaking gawain pa ito, pero matatapos din. Tiwala lang mga tropa! 🙂 Panoorin ang buong video dito: https://www.youtube.com/watch?v=4Jk_K6ZvNxU

Posted by Philip Ramirez on Friday, September 4, 2020

IN THE NEWS:

Bilang suporta sa nasabing gawain para sa kababayang mangyan, dumating din sa Sitio Danlog sina Vice Gov. Peter Alfaro, 4IB Battalion Commander Alexander Alborado, Bokal AJ Rebong, IPMR Kon. Ding De Jesus, at Kapitan Von Joseph Ortelano ng Brgy. Monte Claro.

Sa pagdalaw ng grupo sa Sitio Danlog, napawi din ang agam-agam na mayroong impluwensya ng makakaliwang grupo sa nasabing komunidad. Maging sila man ay naramdaman na ang tulad nila ay tunay na kinakalinga ng gobyerno.

__________

Photos from Peter Alfaro In Action and Cong. Josephine Ramirez Sato

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.