COVID19 Samaritan | Rizal MPS, nanawagan para sa mag-asawang may karamdaman

“Mahirap maging mahirap”. Nalalaman ito ng Rizal MPS kung kaya’t nagpapatuloy sila sa pagtulong sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya, higit pa sa pagtugon sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Sa ikatlong pagkakataon, sa pangunguna ni Rizal Municipal Police Station Acting Chief-Of-Police PCPT Aldrin P. Cordero, muling nilang dinalaw ang Arlin at Generos Candelario ng Sitio Cambarwang, Barangay Adela, sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.

FROM THE INSIDE:

RIZAL MPS

Dala-dala nila ang naipong food pack at tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php12,000.00

Ang nasabing cash mula kay Gng. Carmelie Zaldivar Luburin ng Texas, USA sa halagang sa P11,000.00 habang ang P1,000.00 naman ay kaloob ni Gng. Mary Mariane Tamboong ng Shake It Kup ng bayan ng Rizal.

RIZAL MPS
Ang maliit na bahay-kubo na tinitirahan ng mag-asawang Generoso at Arlin sa Sitio Cambarwang, Barangay Adela, sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro. September 13, 2020.

Ang mga tulong pinansyal na ito ay dumating bilang pagtugon ng mga may mabubuting puso nating donors sa ating panawagan sa ating naunang post. Bukod rito, may mabuting puso ring tumugon sa kahilingang Wheelchair ni Tatay Generoso.

Matatandaan na ang naturang mag-asawa ay nauna na nilang naibalita na parehong lumalaban sa kani-kanilang nararanasang seryosong karamdaman.

Sa kasalukuyan, isa nang bedridden si Tatay Generoso dahil na rin sa isang stroke na kanyang naranasan noong mga nagdaang taon. Dahil dito, nangangailangan siya ng Magnetic Resonance Imaging Scan (MRI).

Samantalang si Nanay Arlin naman ay may malaking sugat sa braso, bukod pa ang mga bukol sa leeg na kailangan namang mapa- CT SCAN.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Sila ay may 6 na maliliit na anak na kasama nilang naninirahan sa isang bahay kubo na hindi pa nila pagmamay-ari. Mayroon din silang anak sa Buruanga, Aklan na namatay at nailibing na ng hindi man lang nila napuntahan dahil sa kanilang kalagayan.

Una silang binisita ng Rizal Municipal Police Station noong August 18, 2020. Magmula noon ay regular na ang ginawang pakikipag-ugnayan ng Rizal MPS sa AKAP HUB, Provincial Hospital, PGO – SAMARICA  at Rizal Municipal Health Office para sa CT-SCAN ni Nanay Arlin.

Subalit nakakalungkot lang umanong isipin na hanggang sa ngayon ay wala pa ring naitatakdang araw o schedule para dito.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Ayon pa sa Rizal MPS, ang mag-asawang Generoso at Arlin ay sumisimbolo ng kahirapan ng “pagiging isang mahirap”, lalo na kapag walang makapitan o malapitan upang mabigyang lunas ang sakit na nararamdaman.

Kaya naman, sa ngalan ng kanilang progamang “BAYANIHAN CHALLENGE”, patuloy na nananawagan ang Rizal MPS sa mga may mabuting kalooban na matulungan sina Tatay Generoso at Nanay Arlin ng Sitio Cambarwang, Brgy. Adela sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.

__________

Source: Rizal MPS Occidental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.