Ramirez, ‘consensual choice’ ng Mayors bilang Congressman

Sa panayam kina San Jose Mayor Muloy Festin at Calintaan Mayor Eric Labrador bilang Secretary ng League of Municipalities of the Philippines – Occidental Mindoro, kinumpirma nila na si 1st District Boad Member Philip Ramirez ang ‘consensual choice’ ng mga Mayors na maging kandidato ng Dream Team bilang Congressman para sa Lone District ng Occidental Mindoro.

Ang mga pahayag ay nabanggit sa kanilang interview na isinagawa ng 92.1 ONE FM radio station na naka-base sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong January 18, 2021.

FROM THE INSIDE:

Sa panayam, natanong ni radio anchor Daisy Del Valle – Leaño si Mayor Eric Labrador kung ano ba ang mga naging ‘salient points’ ng naging pagpupulong ng mga Mayors sa Seasons Hotel – San Jose noong January 16, 2021.

Sagot ni Mayor Labrador, dalawa ang naging ‘salient points’ dito – ang tungkol sa bakuna laban sa Covid-19 at ang naging pahayag ng mga Mayors patungkol sa kung sino ang nais nilang maging kandidato sa pagka-Congressman ng grupo.

Interview ng 92.1 ONE FM – San Jose kina Mayor Eric Labrador at Mayor Muloy Festin. January 18, 2021.

Ayon kay Mayor Labrador, nagkaroon ng ‘consensus among the Mayors’ at nagkaroon sila ng ‘unanimous decision’.

Ngayon, kumabaga, mayron pang isang napag-usapan, it was not a resolution. Ito ay isang consensus, pagbubuo ng isang maselan at napakahalagang desisyon. Napag-usapan din ng mga Mayors present, including the Mayor of Lubang who was present by Zoom who was there all the time, hindi kami iniwan, si Mayor Michael Orayani. Hindi sya physically present but he was connected with us.

Napag-usapan namin who will be the candidate for Congressman ng Dream Team, who will partner with Cong. Nene. And it was a unanimous decision. Unanimous decision.

CALINTAAN MAYOR ERIC LABRADOR

Sa labing-isang (11) bayan ng Occidental Mindoro, sampu ang naging bahagi o nag-participate sa nasabing pagpupulong. Dumating dito ang mga sumusunod na Mayors:

  • Abra de Ilog Mayor Eric Constantino
  • Paluan Mayor Michael Pangilinan
  • Mamburao Mayor Lyn Tria
  • Calintaan Mayor Eric Labrador
  • Sablayan Mayor Andy Dangeros
  • Rizal Mayor Sonny Pablo
  • San Jose Mayor Muloy Festin
  • Magsaysay Mayor Jun Jun Tria
  • Looc Mayor Ben Tria

RAMIREZ PHILIP
Isang room sa Seasons Hotel ang inokupa ng Occidental Mayors para sa kanilang pagpupulong. January 15, 2021.

Nakibahagi din sa pagpupulong si Lubang Mayor Michael Orayani sa pamamagitan ng Zoom. Hindi naman nakarating sa Mayor Meriam Leycano ng bayan ng Sta. Cruz.

Paliwanag pa niya, pangunahing inilatag ng mga Mayors ay ang saloobin ng kanilang mga leaders at constituents. Pinagpilian umano nila sina Bokal Philip Ramirez at Vice Gov. Peter Alfaro.

Unang nagbigay naman ng kanyang paliwanag si Mayor Michael Orayani ng bayan ng Lubang na virtually present sa pamamagitan ng Zoom.

In fact, ang una naming hiningan ng opinion ay si Mayor Michael Orayani ng Lubang who was, as I’ve said earlier, participating by Zoom. And he voiced out his opinion, opinion of his leaders, his barangay captains for Bokal Philip Ramirez. And it was followed by the other Mayors. I remember kaming dalawa ni Mayor Muloy ang huling nagbigay ng opinion. But lahat po ng nagkasunod-sunod from Mayor Orayani ay nagbigay ng kanilang saloobin para sa kay Bokal Philip.

By the time na kami na nina Mayor Muloy, Mayor Andy (Dangeros), and ako, by that time na nakalalamang na, kung yun ay botohon, ay di talo na. Pero nililinaw ko, ito po ay hindi botohan. Where which it is a consensus. And the consensus was without any objection.

Kahit po kahuli-hulihan, na kaming tatlo nga, kami na mga teenager na sinasabi ko, by the time na dumating sa amin ang giving of opinion,  kumbaga na sila ay for Bokal Philip.

Sinegundahan naman ni Mayor Muloy Festin na ang ipinahayag ng mga Mayors ay base sa sentimyento ng kanilang mga constituents.

“Sila naman, if I may interrupt you Mayor Eric, nag-consensus din sila sa mga barangay nila and other members of the community.

SAN JOSE MAYOR MULOY FESTIN

Patuloy pa ring nilinaw din ni Mayor Labrador na ang mga naging pahayag ng Mayors ay hindi personal choice. Ito aniya ay mula sa kanilang leaders at constituents na dapat nilang sundin.

Ay ang sinabi ko sa discussion ay yan ay hindi personal na, hindi yan personal choice ko, ang choice ay ginawa ng ating mga Kapitanes, ang choice ay ginawa ng mga leaders na aking kinonsulta. Yan po ang sinabi ko. Because I like anybody of them.

Ngayon, the point is, saan naroon ang aking mga tao. Saan naroon ang aking mga Kapitanes? Kanino naroon ang aking mga leaders? And talaga naman, sa totoo lang, they are and they were for Philip. Yun lang binoice out ko.

We just reached a consensus. The consensus just happened to be solid and unanimous.

Basta nagbigay kami ng kanya-kanyang opinion. We gave the result naman ng aming pakikipag-ugnayan sa aming bayan-bayan, sa mga konsehales, mga kapitan,  mga leaders.

CALINTAAN MAYOR ERIC LABRADOR

Pareho naman aniya nilang gusto sina Bokal Ramirez at Vice Gov. Alfaro. Subalit isa lamang maaaring piliin. At malinaw sa mga naging pahayag ng mga Mayors ang pinaboran ng kanilang constituents. Mayroon pa umanong mga bayan na nagsagawa ng ‘secret balloting’ para malaman kung sino ang nais ng mga constituents.

At tsaka reported by the Mayor only. Ni-report lang kung ano yung naging consensus ng constituents nila. Actually yung sa Mayors nagkabotohan eh. Consensus din ang tawag, pero botohan dahil may mga nagpaboto ng, secret balloting pa eh.

SAN JOSE MAYOR MULOY FESTIN

Sinusugan din ito ni Mayor Labrador na ayon kanya ay ginawa ito nina Mayor Pangilinan ng Paluan at Mayor Pablo ng Rizal. Nagsagawa sila ng botohan sa kanilang constituents at binuksan lamang ang mga balota sa harapan ng mga Mayor sa kanilang isinasagawang pagpupulong.

Meron pa nga ako isa ano, just to prove how the nature of the proceedings happened anoh. Si Mayor Babu ng Paluan conducted some kind of a voting among his Kapitanes and community leaders. Walang nakalagay na pangalan sa balota nila. And it was placed in a sealed envelope. Doon lamang niya binuksan sa meeting na iyon at doon lamang binasa.. for aspirants for Congressman, hindi lamang si Vice Gov. Peter, at hindi lamang si Philip. Pati yung iba. Doon nya lang binuksan yun.

And also Mayor Sonny (Rizal) showed that same kind and that same nature of the process na ginawa nya. Doon din lang niya in-open yan sa harapan namin.

And it so happened na talagang kay Philip ang group majority.

Sa huli ay nagpahayag ng pasasalamat umano si Bokal Ramirez sa naging desisyon ng mga Mayors. Nangako din siya na hindi niya ‘bibiguin ang pag-asa at pagtitiwala ng grupo’.

Sinabi din ni Mayor Labrador na maluwag sa puso na tinanggap ni Vice Gov. Alfaro ang naging resulta ng talakayan at ‘mananatili ang kanyang katapatan sa partido’. Itinalaga din si Vice Gov. Alfaro bilang Campaign Manager ng grupo para sa 2022 Election.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.