Palay dryer sa palengke ng Calintaan, inirereklamo

November 27, 2019

Sa Facebook video post ni netizen Joseph Joseph, ipinakita niya ang isang palay dryer na ipinatayo umano ng pamagahalaang bayan ng Calintaan.

Himutok niya, dahil nasa open area, sa mga magtitinda sa palengke ang punta ng gilik ng palay na nadadala naman ng hangin.

(Ang video ay pagmamay-ari ni netizen Joseph Joseph).

Nakiusap din sya sa kinauukulan kung maaari ay masolusyunan agad ito.

Ang sakit sa mata ng gilik at ang kati”, aniya.

Nagpahayag din ng kanilang saloobin ang ibang netizen. Mayroong nagsabi na bago pa man sana maipatayo ang dryer ay ipinaalam na agad sana ang kanilang pagtutol dito.

Mayroon din nagpahayag ng pag-aalala para sa kalusigan ng mga bata.

Umabot na sa 40 reactions, 30 comments at 3 shares ang kanyang post, November 26.

Narito ang mga naging komento ng ibang netizens:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.