PUNTO MINDORO | Montenegro, alisto sa rampahan

September 25, 2017

Maikli laang ang videong are na atin nakuha. Wala pa ngang isang minuto. Pero mahabang lakbayin ang maaaring resulta. Dahil ang ipinapakita nare ay ang agarang pagwe-welding ng Montenegro Shipping Lines sa nakitang aberya sa rampahan ng kanilang barko.

Nahuli tayong nakababa ng barko. Nakatulog sa upuan. Buti at naalimpungatan. At pagbaba natin, tripulante ng barko na nagwe-welding ang ating nabungaran.

Kaunti laang naman ang aberya. Parang kumawang laang ang isang bakal. Pero apektado nito ang mga sasakyan na nababa at nasampa sa barko.

Ayos nga naman na weldingan kahit maliit lamang na problema. At least nanduon ang sense of urgency para maisaayos agad ang aberya. At kung malakihang problema, nasisiguro naman natin na hindi lang simpleng welding ang gagawin ng Montenegro para mas maging kampante ang mga biyahero.

Saludo tayo dyan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.