Nagkasundo ang pamahalaang bayan ng Puerto Galera sa pangunguna ni Mayor Rocky Ilagan at tatlumpu’t siyam (39) na magtitinda na ibaba ang presyo ng kanilang tindang isda at karne, January 7.
Sa pagpupulong na ipinatawag ni Mayor Ilagan, nakiusap siya sa mga magtitinda ng isda at karne ‘na magkaroon ng angkop at pinababang presyo para sa kanilang mga produkto’.
FROM THE INSIDE:
- 14 personnel relieved due to alleged corruption – Villar
- Naujan records 1st Covid-19 case in 2021
- Naibuan celebrates 3rd founding anniversary
- OKSI SP authorizes re-enacted budget at the start of 2021
- OrMin former Cong. Reynaldo Umali dies at 63

Ito ay upang matugunan ang isyu ng presyo ng mga nasabig produkto na matagal na ring kinakaharap ng bayan ng Puerto Galera.
Sa pambihirang pagkakataon, pumayag sa kahilingan ni Mayor Ilagan ang 39 na nagtitinda sa Pamilihang Bayan, sa mga Talipapa mula sa Barangay Balatero, Tabinay, Sabang, at ganun din sa Poblacion.
Narito ang napagkasunduang per kilo na presyo ng isda. Epektibo itong ipatutupad sa January 9, 2021.
- BANGUS – P220.00
- TILAPIA – P160.00
- TULINGAN – P175.00
- GALUNGGONG – P175.00
- LUMAHAN – P170.00
- MAYAMAYA – P320.00
- TANIGUE – P320.00
- LAPU LAPU – P320.00
- MUSLO – P320.00
- YELLOW FIN – P200.00(retail)
- PUSIT ( palutan) – P150.00( retail)
- GULYASAN – P180.00
- MANAMSI – P100.00
- BUGLAWAN ( small) – P200.00
- BUGLAWAN ( big) – P220.00
- MAGANDANG KLASE NG ISDA – P250.00
Ang presyo naman ng karne ay depende o base sa presyong bigay ng supplier. Ganun pa man, sa ano mang pagkakataon, inaasahan na magiging pantay-pantay ang presyo ng karne ng lahat ng magtitinda.



Para naman mabantayan ang patuloy na pagtalima ng mga magtitinda sa napagkasunduan, hinikayat ang lahat na direktang i-report sa opisina ni Mayor Ilagan ang lumalabag dito sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa numerong 0917-505-5746.
Sa text message ay dapat na kasama ilang impormasyon tulad ng lugar kung saan nabili o kung saan naroon ang binilahan ng isda, at ang presyo na higit pa sa napagkasunduan.