Pirata sa Lubang mula Lian, huli kay Mayor Orayani

Kung inaakala natin na sa ibang bansa o sa pelikula lang natin napapanood ang tungkol sa mga pirata, nagkakamali ka. Dahil sa municipal water ng Lubang, mayroon umanong katulad nila na pagala-gala. Pero huli sila sa operasyong ikinasa ni Mayor Michael Orayani, May 11.

Ayon sa isang report ang natanggap ng opisina ni Mayor Michael Orayani, mayroon umanong grupo ng mga pirata na nambibiktima lokal na mangingisda mula sa bayan ng Lubang.

FROM THE INSIDE:

PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
Huli sa operasyong ikinasa ni Mayor Michael Orayani si Philip Cabadin Y Leniso, 42 y/o at kapatid niyang si Guilermo Cabadin Y Leniso na kapwa taga Brgy. San Diego, Lian Batangas.

Sa sumbong ng mga mangingisda, puwersahan umanong kinukuha ang kanilang huling isda ng mga pirata habang nasa laot sila.

Matagal nang nakakarinig ng mga ganitong balita si Mayor Orayani bago pa man siya maging Punong Bayan ng Lubang. At dahil na rin sa isa umano itong pagmamalabis sa mga kababayang mangingisda, hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na mahuli ang mga pirata.

PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO

Sa ikinasang operasyon kasama ang pinagsanib na pwersa ng Pamahalaan ng Lubang, Lubang Municipal Police Station (PNP), BFAR Personnel at Bantay Dagat, hindi nakatakas at agad na nahuli ang kinukunsidera nilang pirata na si Philip Cabadin Y Leniso, 42 y/o at kapatid niyang si Guilermo Cabadin Y Leniso na kapwa taga Brgy. San Diego, Lian, Batangas.

Kakaharapin ng dalawang suspect ang iba’t ibang kaso na ngayon ay nasa kustodiya na ng Lubang Municipal Police Station.

Sa Facebook messenger interview sa Ang Pamahalaang Bayan Ng Lubang, ikinuwento nila kung paano ang ginagawang pangha-harass umano ng mga pirata sa mangingisda.

Sinasabayan nila ang mga pangolong na mangingisda na nagsi-zipper ng lambat. Tapos sasalok lamang sila (pirata) ng isda sa loob ng lambat. Mga 20 plus na mga banca at papaligiran sila.

Hindi pa nakuntento sa pagsalok ng isda, sasampa pa umano ang mga pirata sa bangka ng mangingisda mula Lubang.

Pagkatapos ay sasampa pa sa banka at sapilitang bubuksan ang mga bodega ng isda at kukuha ng ilang banyera. Kapag hindi nagbigay ang mga mangingisda namin, puputulin nila ang buya.

Sa pagkakahuli sa mga suspek, lubos na nagpasalamat ang mga taga Lubang sa pamunuan ni Mayor Orayani.

PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO

Ganun pa man, mayroon ding mga netizens na nagkumento sa post ng Lubang na ayon sa kanila ay mabubuting tao at ordinaryong mangingisda rin lang ang mga nahuli.

Pinasalamatan naman ni Mayor Michael Orayani ang lahat ng naging bahagi ng kanilag matagumpay na operasyon. Kasama na riyan sina LGU Aquaculturist Mark Lancelot Mendoza, PCpl John Rey Supleo, Asst. MCAD, PNCO, Patrolman Kenneth Reyes, PSSg Raymond Mamalayan, Asst. MCAD, PNCO, PSSg Allan Dela Cruz, Intel PNCO, PSSg Jeffrey Lamboloto, PNCO, BFAR Agent Bryan Pacheco, Redentor Morong, Edward Quiñonez, Armel Kim Anar at mga Bantay Dagat Felito Voluntad, Rexon Quiñones, Frederick Quiñones, Onyo Tagumpay.

PIRATA SA LUBANG HULI KAY MAYOR ORAYANI PUNTO MINDORO
Walang pinipiling oras si Mayor Michael Orayani pagdating sa pagbibigay proteksyon sa municipal water ng Lubang. Kuha ang larawan noong March 8, 2020 kung kailan nasakote nila ang isang bangka mula Zambales na illegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Lubang, Occidental Mindoro.

IN THE NEWS:

Matatandaan na nitong nagdaang buwan ng Marso ay mayroon ding nasakoteng bangka mula Zambales na illegal na nangingisda sa municipal water ng Lubang. Bunsod ito ng sumbong kay Mayor Michael Orayani ng mga lokal na mangingisda na namamalakaya sa Cabra Island, March 8. Na kahit dis-oras na ng gabi ay pinamunuan pa rin ni Mayor Orayani ang operasyon laban sa mga dayong bangka na pumasok sa karagatag sakop ng Lubang. Kasama rin sa nahuli ang isa pang bangka mula sa Brgy. Tayamaan ng bayan ng Mamburao.

RELATED STORY:

Source:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.