So. Pinagbayanan sa Mt. Calavite ng Paluan, tumanggap ng ayuda

Sitio Pinagbayanan ang isa sa malalayong lugar sa bayan ng Paluan. Mt. Calavite naman ang nagsisilbi nilang bantay laban sa hagupit ng kalikasan. At para marating ito, kinakailangan pang sumakay ng bangka.

Mula sa kabayanan ng Bayan ng Paluan, matatanaw ang higanteng bundok ng Mt. Calavite , isa sa pinakamataas na kabundukan na matatagpuan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Sa likod nito ay ang mga komunidad ng Sitio Pinagbayanan na pinaghalong katutubong Mangyan at Tagalog na nasasakupan ng Barangay Harrison at Barangay Mananao.

Dito sa Sitio Pinagbayanan, ang pamumuhay ay payak, preskong hangin ang malalanghap tila ba malayo at ligtas mula sa banta ng COVID 19.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Sa kabila nito, bagamat nasa bahagi slia malapit sa Mt. Calavite, hindi rin sila nakaligtas sa perwisyong dulot ng ipinatutupad na community quarantine sanhi ng banta ng Covid-19. Napatigil ang hanap-buhay at nawalan ng pinagkakakitaan ang mga pamilya.

Maging ang pamahalaang bayan ng Paluan ay nahirapan sa pagdadala ng tulong dahil na rin sa kalayuan ito at kinakailangan pang tumawid ng dapat uparang marating ang kanilang pamayanan. Ito man ay isang malaking hamon, pero hindi ito naging hadlang sa pagpapa-abot ng ayuda ng pamahalaang bayan ng Paluan.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO
Nagbigay ng P500 si Bokal Abe Pangilinan sa senior citizens ng Sitio Pinagbayanan bilang regalo dahil, ayon sa kanya, ay isa na rin siyang senior citizen at nalalaman ang kanilang pangangailangan.

Huwebes, May 7, nagdesisyon ang mga opisyal ng bayan na puntahan ang Sitio Pinagbayanan. Kasama si Bokal Abelardo Pangilinan, SB Cherry San Agustin, SB Ricky De Roa SB Vladymir Gaupo at SB Jhun Torreliza upang maghatid muli ng sako-sakong bigas upang ibigay sa bawat pamilya na naninirahan dito.. Upang mas mapadali ang pamamahagi ay sinamahan din sila ng Punong Barangay ng Harrison na si Kgg. Menard Toriana.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO

las nueve ng umaga ngbtumulak ang grupo, tinatayang nasa 3 hanggang apat na oras ang biyahe. Lulan sila ng 2 bangka, ang isa ay sinakyan ng mga sangguniang bayan at ang isa naman ay sinakyan ni bokal pangilinan. Lulan din nito ang 100 sako ng bigas na ipapamahagi sa naturang sitio.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO

Namigay din si Bokal Abe Pangilinan ng P500 mula sa sariling bulsa. Ito ay bilang pasalubong niya sa mga senior ctizen sa Sitio Pinagbayanan.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO

Ang pamimigay ng konting regalo ay malimit niyang ginagawa hindi lamang sa Sitio Pinagbayanan. Maging sa ibang barangay sa buong bayan, dahil, aniya, yaman din lang na siya ay isa na ring senior ciizen, alam niya ang kanilang pangangailangan.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO

Alas dose pasado na dumating ang grupo sa sitio pinagbayanan, sinalubong sila ng pinuno ng sitio o mayor na si loloy parisan. Agad na sinimulan ng grupo ang kanilang misyon sa pagbisita dito. Pinulong ng mga pinuno ng bayan ang mga leader ng sitio kasama ang mga barangay official para sa maaus na pamamahagi ng saksakong bigas. Tinatayang nasa 180 families ng sitio pinagbayanan ang dumagsa upang makatanggap ng ayudang ito.

PINAGBAYANAN PALUAN PUNTO MINDORO

Hindi naman nabigo ang mga senior citizen, sapagkat namahagi ng aginaldo si Bokal.Pangilinan. pati ang mga bata nabiyayaan dahil sa tuwa niyang makita ang mga ngiti ng mga ito sa gitna ng krisis na kinakaharap ng buong bansa.

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao.dito. kilala din ang sito.pinagbayanan dahil.sa ruins church na pinaniniwalaang kauna unahang simbahang romano katoliko sa buong lalawigan.

At sa lahat ng ito, saksi ang Mt. Calavite.

Story from Christian Jay De Lemos.

__________

PALUAN PUNTO MINDORO
Christian Jay De Lemos is Punto Mindoro’s contributor writer. He is a broadcaster and is currently the Acting Station Manager of RADYO KAPALAYAWAN 100.1 FM in the Municipality of Paluan, Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.