Patient Transport Vehicle, tinanggap ng 3 bayan sa Oksi

Tatlong bayan mula sa lalawigan ng Occidental Mindoro ang tumanggap ng Patient Transport Vehicle mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga bayan na tumanggap ng Patient Transport Vehicle ay ang Rizal, Abra de Ilog, at Lubang na para naman sa kanilang Lubang District Hospital.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Base ito sa impormasyon na inilathala ng Philippine Charity Sweeptstakes Office kung saan kasama ang tatlong bayan sa mga tumanggap mula sa labingtatlong (13) Patient Transport Vehicle na kanilang ini-release noong May 8.

Sa post ni Mayor Sonny Pablo ng Bayan ng Rizal, dumating na sa kanilang bayan ang nasabing Patient Transport Vehicle noong May 9.

PATIENT TRANSPORT VEHICLE MAYOR SONNY PABLO PUNTO MINDORO
Photo courtesy of Rizal Mayor Sonny Pablo. May 9, 2020.

Agad din nila itong pinabasbasan sa pari para maging opisyal na bahagi ng pamilya ng Pamahalaang Bayan ng Rizal.

Atin na rin itong pinabasbasan at mailayo sa kapahamakan.

MAYOR SONNY PABLO | May 9, 2020

Bagama’t may banta ng Covid-19, hindi ito inalintana nina Sangguniang Bayan member at Chairman ng SB Committee on Health Councilor Julieto Pechon at mga kasamahan na lumuwas sa Maynila upang makuha ang nasabing PTV.

Tinanggap nila ang PTV mula kina PCSO representatives Mr. Angelo de Leon (Office of the Chairperson) at Ms. Louis Serojales (Office of the General Manager).

PATIENT TRANSPORT VEHICLE MAYOR SONNY PABLO PUNTO MINDORO
Photo courtesy of Rizal Mayor Sonny Pablo. May 9, 2020.

Sa kanilang pagbabalik sa Rizal ay sasailalim naman sila sa 14-day quarantine upang magisuro ang kaligtasan ng kanilang pamilya mula sa Covid-19 dahil galing sila sa Maynila kung saan marami ng positibo sa virus. Ito ay bilang pagtalima na rin sa health protocols na ipinatutupad ng bayan ng Rizal.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, sinabi ni PCSO General Manager Royina Marzan-Garma na ang mga donasyong PTV ay bahagi ng Patient Transport Vehicle Donation Program ng kanilang ahensya.

The Agency, with the intent to deliver its mandate and aid local government units and government hospitals in delivering immediate emergency medical response to the public, will continue its charitable services to the public especially during these challenging times.

Philippine Charity Sweeptstakes Office – Facebook page | May 8, 2020

IN THE NEWS:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.