176 cavan ng bigas, tinanggap ng Ulasan at Kalangigan mula Paluan LGU

Sa pagsisimula ng 2nd wave ng food relief operation ng Pamahalaang Bayan ng Paluan, umabot sa 175 cavan ng bigas ang kanilang napamigay sa mga tahanan ng Sitio Ulasan at Sitio Kalangigan ng Brgy. Harrison.

Ayon kay Paluan Norlan Taroma, Staff sa Paluan Office of the Mayor, gamit ang dalawang bangka, unang tinungo ang Sitio Kalangigan bandang 10:30am. Dito, 74 cavan ng bigas ang kanilang napamigay.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Sunod nilang tinungo ang Sito Ulasan na mayroon namang 102 households. Bandang ala-una na ng hapon sila natapos ng pamimigay.

Ang mga bigas na pinamigay ay mula sa mga palay na binili ng Pamahalaang Bayan ng Paluan mula sa mga magsasaka sa pangunguna ni Mayor Carl Michael Pangilinan at Vice Mayor Michael Diaz.

Sa kasalukuyan ay inaayos pa ang bilang ng households na bibigyan sa mga susunod na barangay at sitio na kanilang pupuntahan.

Ang pamamahagi ng bigas ay bunsod pa rin ng umiiral na general community quarantine dala ng banta ng Covid-19.

__________

Photos courtesy of Norlan Taroma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.