Isang siglo at isang dekada ng bayan ng Paluan, paano ipinagdiwang?

Nakaraang May 1, 2020, ginunita ang ika-110 taong pagkakatatag ng bayan ng Paluan. Ngunit, paano nga ba nagdiwang ang mga taga rito sa gitna ng COVID-19 pandemic?

Tulad ng nakagawian, maagang nag-plano ang pamunuan ni Paluan Mayor Carl Michael Pangilinan para sa selebrasyon. Limang (5) araw sana tatagal ang pagdiriwang at inaasahang hitik sa kasiyahan ang mga programang inilatag.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Magkakaroon ng Gabi Ng Kawani ng pamahalaang bayan. Nariyan din ang Gabi Ng Kabataa, Katatandaan at iba pang sektor ng lipunan. Nakahanda na rin ang programa sa kabutihang loob ni Cong. Josephine Ramirez Sato.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Maagang tinanaw din ang parada ng lechon at kalabaw na siyang pinaka-aabangan ng lahat.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naideklara at isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro.

Noong una ay kumakapit ang bawat isa sa pag-asang maipagdiriwang pa ito. Hhanggang sa kalaunan ay bumitaw na rin ang lahat dahil sa extension ng ECQ,

PALUAN PUNTO MINDORO

Mula rito, tila tumigil ang mundo. At nabaling ang atensyon para sa mas mahalagang bagay – ang matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan, siya namang nasa sentro ng lahat ng programa ng tambalang Mayor Carl Michael Pangilinan at Vice Mayor Michael Diaz, kasama ang Sangguniang Bayan.

Ganun pa man, hindi pa rin isinantabi nina Mayor Pangilinan at Vice Mayor Diaz, kasama ang Sangguniang Bayan, ang intensyo na pasayahin ang bawat isa.

Isang plataporma na ginamit ng mga opisyal ng bayan ay ang social media sa pamamagitan ng RADYO KAPALAYAWAN, ang nutriskwela community radio sa bayan ng Paluan.

Nagisip ang mga ito ng maaring ipalaro sa radyo na ang lahat at maaring sumali gayundin sa social media, partikular gamit ang Facebook.

Nanguna na dito ang PAHULAPAHAGO, isang trending game upang maka-iwas sa bagot ang mga nasa bahay. Nilapatan ng game mechanics at answer format upang madami ang mabigyan ng tyansa na makasagot ang bawat isa.

Isang paa mula sa mabuting kaibigan ni mayor pangilinan ang kanyang pinahulaan, na nagkakahalagang 6, 000 pesos. Hindi man ganun kadami ang comment dahil one account one comment lang ay madami.pa din ang tumangkilik nito.

Sa pamamagitan naman ng facebook account na RK KAPALAYAWAN, ay nagpalaro si HON. CHIPPY PANGILINAN, SB member ng bayan ng Paluan.

Bilang siya ang Chairman ng Committee on Tourism, isang makabuluhang laro ang kanyang isinagawa. Tinawag niya itong DRAW THE HISTORY.

PALUAN PUNTO MINDORO
PALUAN PUNTO MINDORO

Isang kompetisyon ng mga indibidwal na may malikhaing kamay sa pag guhit. Ang layunin nito ay upang mahikayat ang bawat isa na basahin ang History ng Paluan.

Bagaman kakaunti ang nakapag entry ay maganda namn ang naging feedback ng taumbayan. Marami ang nagbasa ng history ng bayan at marami ang nakaalam ng kwentong pinagmulan ng bayan ng Paluan.

PALUAN PUNTO MINDORO

Hindi namn nagpahuli ang Sangguniang Kabataan Federation. Sa pamamagitan ni SK GLAZZLLE ANN M. VELANDRIA, isang mala-singing contest naman ang kanilang ginawa. Ito ay ang GUESS THE SONG LYRICS na open sa lahat, singer man o hindi.

Masaya ang bawat isa na tumatawag at nagbakasakaling makahula. May ibang maswerte na alam ang kanta, may iba naman nakalimutan na sa kaba.

At siyempre, ang pinaka-highlight ng lahat ay ang pamimigay ni Mayor Pangilinan ng tig-P1,000.00 sa mga senior citizen.

“Programa ito ng pamilya namin para kina Lolo at Lola“, paliwanag ni Mayor Pangilinan.

“Mula po sa kaibuturan ng aming puso, tanggapin ninyo ang aming munting tulong bunga ng aming nalikom mula sa aming sweldo at kontribusyon galing sa mga miyembro ng aming pamilya. Nawa’y kahit sa mamunting paraang ito ay makapagdulot kami ng kaunting saya at kapanatagan sa Inyo ng mga kalooban at nawa’y mapawi namin ang inyong mga pangangamba sa panahong ito na puno ng agam-agam at pag-aalinlangan sa kinabukasan ating haharapin lahat.Maraming salamat po at patuloy naming ipapanalangin ang iyong kalusugan at kaligtasan. “

MAYOR CARL MICHAEL PANGILINAN

Hindi pa man natatapos sa kanyang pagbisita sa mga senior citizens ay abot-abot na ang kanilang pasasalamat sa regalo na kanilang natanggap mula sa pamilya ni Mayor Pangilinan.

PALUAN PUNTO MINDORO

Hindi man makulay, maliwanag at maingay ang pagdiriwang na ito, hindi naman nawala o nawaglit sa isipan at damdamin ng mga tao, lalong higit sa mga namumuno, ang tunay na esensya ng PAHAGO Festival. Ito ay ang pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakapantay-pantay.

Iisang hapag, iisang kainan para sa isang bayan na pagkakaisa ang pinapairal.

Ito po si DJ NYEY ng Radyo Kapalayawan 100.1FM at ito ang kwento ng bayan ko para sa PUNTO MINDORO.

__________

PALUAN PUNTO MINDORO
Christian Jay De Lemos is Punto Mindoro’s contributor writer. He is a broadcaster and is the Acting Station Manager of RK RADYO KAPALAYAWAN 100.1 FM in the Municipality of Paluan, Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.