OrMin VG Perez, SP: Hindi napapanahon ang PMVIC

Nais ipagpaliban ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ni Vice Gov. CA Jojo Perez ang implementasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) dahil hindi umano ito napapanahon dahil na rin sa kinakaharap na pandemya.

Base sa post ni Vice Gov. Perez, kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay isinagawa nila ang isang Legislative Inquiry kung saan nakaharap nila ang pamunuan ng LTO MIMAROPA REGION at LTO DISTRICT OFFICES nitong nagdaang January 27.

FROM THE INSIDE:

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Dito, natalakay ang mga probisyon ng PMVIC bago mai-rehistro ang mga light vehicles at motorsiklo sa LTO sa Calapan City.

Kaugnay nito, nagkakaisang pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang isang Resolusyon na humihiling kay Pres. Rodrigo Duterte, ganun din sa pamunuan ng Land Transportation Office at Department of Transportation (DOTr) na ipagpalilban muna ang implementasyon ng PMVIC base sa mga sumusunod na kadahilanan:

  • 1. Dinadagsa ng mga tao ang LTO Calapan City at ito ay paglabag sa umiiral na health protocols na seryosong banta sa kalusugan ng mga mamamayan dulot ng COVID-19;
  • 2. Napakamahal ng inspection at re-inspection fees para sa mga mamamayan na dapang-dapa pa sa kahirapan dulot COVID-19 pandemic, dagdag pa ang pananalanta ng mga bagyong nagdaan;
  • 3. Hindi handa ang IT SYSTEM sa LTO PINAMALAYAN at LTO ROXAS sa bagong programang ito na pumi-pwersa sa mga motorista mula sa southern portion ng lalawigan na magbyahe papunta sa LTO CALAPAN CITY. Wala ding kasiguruhan na aabot sila sa mahabang pila ng inspection at registration o kung papasa sa standard ng PMVIC na magreresulta sa pangangailangang bumalik para sa re-inspection; at
  • 4. Pribado at nag-iisa ang PMVIC na mag-iinspeksyon sa kondisyon ng mga sasakyan na magsisilbing basehan kung maaari itong irehistro.

Hiniling na rin ng Sangguniang Panlalawigan sa Calapan City na imbestigahan ang Business Permit ng PMVIC sa syudad.

Noong August 4, 2020 ay naglabas ng anunsyo ang Department of Transportation na minamadali na nila ang pagbubukas ng mga PMVIC. Io-operate ito ng mga pribadong negosyo na bukod sa magsasagawa ng emission testing ay siya ring mag-i-inspect ng ‘road worthiness’ ng mga sasakyan bago pa mai-rehistro sa LTO.

PMVIC JOJO PEREZ
Source: Department of Transportation. August 4, 2020.

AROUND THE WEB:

Source: Oriental Mindoro Vice Gov. Jojo Perez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.