𝐎𝐏𝐄𝐗𝐌𝐀𝐓𝐄 𝐎𝐌𝐒𝐂𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐒𝐋𝐏𝐀, nagsimula na ng operasyon

Sa patuloy na paggiya ng pamunuan ng OMSC – Mamburao na mabuksan ang pangkabuhayang oportunidad para sa kanilang ‘business students’, nabuo ang OPEXMATE OMSCias Sustainable Livelihood Program Association (SLPA), na ngayon nga ay nagsimula na ng kanilang operasyon.

INSIDE STORIES:

OPEX OMSC SLPA
Production area ng OPEXMATE sa loob ng OMSC – Mamburao Campus. May 21, 2021.

Binubuo ng tatlumpung (30) estudyante mula sa kursong Business Administration – Major in Office and Financial Management, sinimulan na nila ang ‘express printing and bookbinding services‘ gamit ang pondo na natanggap mula sa DSWD – Sustainable Livelihood Program (SLP) noong February 2021.

Ayon kay Mamburao SLP Project Development Officer Claire Arriola Carvajal, sa tulong kanilang mga Advisers na sina Ms, Jean Palmares Gulac at Ms. Rubyjane Dumalaog, nakapagtala na ng 23 kliyente ang OPEXMATE sa unang dalawang araw na operasyon.

OPEX OMSC SLPA

Patuloy din sa pagbibigay gabay sina Occidental Mindoro State College – Mamburao Director Dr. Cris Abeleda Caponpon at Dr. Judy Agutaya Catalo ng CBAM upang higit pang mapalakas ang OPEXMATE at manatiling matatag na business enterprise ng mga nasabing estudyante.

Abangan ang kabuuan ng kwento ng OPEXMATE!

_____

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.