OMECO, 25-taon libreng gagamitin ang lupa sa Sta. Cruz

Sa pamamagitan ng  Deed Of Usufruct, magagamit na ng libre sa loob ng 25 taon ng OMECO ang lupain na pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Sta. Cruz.

AROUND THE NET:

Ayon sa Facebook post ng OMECO, sila ay humiling sa Provincial Government ng Occidental Mindoro na magamit ng libre para sa installation ng 5MVA Substation ang 2,000 square meter lot sa Oisca, Brgy, Casague sa bayan ng Sta. Cruz sa pamamagitan ng kanilang Board Resolution No. 43, Series of 2020.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang nasabing resolusyon ay may titulong “Resolution Earnestly Requesting From The Provincial Government of Occidental Mindoro For The Free Use Of 2,000 Square Meter Lot In Oisca, Barangay Casague, Sta. Cruz, Occidental Mindoro For The Installation Of 5MVA Substation”.

OMECO
Occidental Mindoro Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 269. Source: Sangguniang Panlalawigan

Dahil sa magiging beneficial ito para sa lalawigan, inaprubahan naman ito ng Sangguniang Panlalawigan noong August 4, 2020 sa pamamagitan ng Resolution No. 269, Series of 2020 kung saan binibigyang kapangyarihan si Gov. Ed Gadiano na payagan ang Omeco sa kanilang kahilingan na magamit ang lugar ng libre sa loob ng 25 taon.

OMECO
Ipinakita nina Gov. Ed Gadiano at NEA Project Supervisor/Acting General Manager Cesar E. Faeldon ang pinirmahang Deed of Usufruct. August 27, 2020. Photo by PGO Sablayan Sub Office.

Kahapon, pinirmahan na nina Gov. Ed Gadiano at “Deed of Usufruct” para sa katuparan ng kasunduan ng Omeco at Pamahalaang Panlalawigan. Naganap ang pirmahan sa pagitan nina Gov. Eduardo B. Gadiano at OMECO na kintawan ni National Electrification Administration (NEA) Project Supervisor/Acting General Manager Cesar E. Faeldon sa PGO Sablayan Sub-Office.

OMECO
Photo by PGO Sablayan Sub Office. August 27, 2020.

Ang Deed of Usufruct ay isang instrumento na nagbibigay Karapatan sa ibang tao na gamitin ang kanyang pag-aari o property.

IN THE NEWS:

__________

Source: PGO Sablayan Sub Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.