Odiongan Mayor Fabic, naglaan ng P5M pambili ng Covid-19 vaccine

Opisyal nang inihayag ni Mayor Trina Firmalo Fabic ng bayang ng Odiongan, Romblon ang paglalaan ng paunang P5 milyon bilang pambili ng bakuna laban sa Covid-19.

Bandang 10:30pm ngayong gabi, January 11, nang i-post nya ito sa kanyang opisyal na Facebook page na Mayor Trina Firmalo-Fabic.

ASIAN ZHEY HALO HALO BURGER SISIG
Check out the latest food hub in Brgy. 7, Mamburao, Occidental Mindoro.

FROM THE INSIDE:

Aniya, nagkaroon na sila ng ‘initial consultation’ nina Vice Mayor Diven Fos Dimaala at Sangguniang BAyan na kanila namang sinuportahan. Dagdag pa niya, Disyembre ng nagdaang taon ng sinimula ang talakayan tungkol sa pagbili ng bakuna.

At kung kinakailangan, mayroon pa umanong nakikitang karagdagang P5 milyon na maaring gamitin din para sa second batch ng mga bakuna. At kung magpapatuloy ay aabot sa kabuuang P10 milyon ang magagamit sa sariling pondo ng Odiongan LGU pambili ng bakuna.

Ang pagbili ng Lokal na Pamahalaan ay pwedeng isabay sa programa ng nasyonal.”

MAYOR TRINA FIRMALO – FABIC

Alin man sa Astra Zeneca o Moderna ang pagpipilian kung aling brand ng bakuna ang kanilang bibilhin.

Paliwanag pa ni Mayor Fabic, bibiyang prayoridad ang mga ‘frontliners, senior citizens, PWDs, at mga walang kakayanan na bumili ng bakuna’.

At kung sakali man na mabigyan ng bakuna ng national government ang Odiongan, ipagpapasalamat nila ito. Pero habang walang pa ay dapat sundin muna ang mga health protocols.

“Pero habang wala pa ito, sumunod pa rin tayo sa mga tamang health protocols katulad ng social distancing, pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, at pag gamit ng alcohol.”

Paalala pa rin ni Mayor Fabic na kahit walang nararamdamang sintomas ay maari pa ring magdala ng Covid-19.

FABIC TRINA ODIONGAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.