NFA rice, balik P27kg sa merkado

Balik na at muling mabibili ang NFA rice sa halagang P27.00 sa merkado ng Occidental Mindoro.

Ito ang siniguro ni Ms. Libette Ignacio, ang bagong talagang National Food Authority (NFA) Provincial Manager – Mamburao , sa kanyang panayam sa Hataw Mamburao Radio Program kaninang umaga, July 31, sa The Bay 99.3 FM, Mamburao, Occidental Mindoro.

NFA RICE

FROM THE INSIDE:

Paliwanag ni NFA PM Ignacio, nakatanggap sila ng direktiba ngayong buwan ng Hulyo na maari nang magbenta na bigas sa mga accredited NFA rice retailers. At sa nagdaang dalawang linggo ay nakapag-release na ang kanilang warehouse sa Brgy. Balansay (Mamburao) ng 1,000 bags sa mga retailers.

“Magiging available na ito pong presyo na P27.00 per kilogram.”

NFA RICE
NFA Provincial Manager Libette Ignacio (kaliwa) sa kanyang pagbisita sa opisina ni Mamburao Mayor Lyn Tria (gitna), kasama si OIC Provincial Assistant Manager Kathlyn Gonzalez. Photo courtesy of Hataw Mamburao. July 30, 2020.

Aniya, nagbigay ang NFA ng “as much 30 bags” sa bawat accredited NFA rice retailers bagama’t mayroon ding kumuha ng 10 bags o 20 bags lang.

Umapela din si PM Ignacio n asana ay matulungan ang kanilang ahensya ng LGU at ng mga barangay na maprotektahan ang maliliit na mamimili. Kaugnay nito, magbibigay ang kanyang opisina sa mga barangay ng listahan ng mga accredited NFA rice retailers upang agad na matukoy at mai-report ang mga ito kung sakaling magbenta ng mas mataas o higit pa sa halagang P27.00 per kilo.

TRIP NI BOKAL PHILIP: Ansiray & Ilin Island

TRIP NI BOKAL PHILIP: Ansiray & Ilin IslandBumisita tayo sa Brgy. Ansiray at Ilin Island sa bayan ng San Jose. First time ko rin ito na mag-voice over sa video. Pa-check nga mga tropa kung papasa sa inyong panlasa. Nagtampisaw din po kami dine malapit sa White Island. Baka po meron kayong lugar dyan o produkto na pwede po nating mai-feature. Message lang po kayo, gawan po natin kahit simpleng dokyu para maipakilala po natin. And mas maganda po kung meron tayong pwedeng "partner" as host po ng ating dokyu. :)Maraming salamat Kap. Marlon Ramintas at sa lahat po ng Kapitan ng 11 barangay ng Ilin Island, lalong higit sa inyo pong mamamayan. Kay Kon. Dionisio Cruz Malilay (San Jose) at Kon. Raul Villar Masangkay (Mamburao) sa inyong pag-alalay. At sa kasamahan natin sa Sangguniang Panlalawigan na si Bokal Bokal Aj Rebong.

Posted by Philip Ramirez on Thursday, July 23, 2020

Para naman ma-accommodate ang mga retailers mula sa iba’t ibang bayan sa MAPSA area, nag-set na sila ng schedule kung kailan sila pwedeng pumunta sa warehouse upang kumuha ng bigas.

May schedule nga po kami actually ng pagre-release. Monday to Thursday po yung ating pagbebenta. Monday, ang atin pong sine-serve o kini-cater are the retailers from the Municipality of Sta. Cruz and Paluan.

And then for Tuesday, Abra de Ilog retailers po ito. And then Wednesday, eto po yung Mamburao. And Thursday, eto po yung mga taga Sablayan naman.

Pero yung amin pong opisina sa Sablayan na ang nagse-serve kay Sablayan retailers.

Nag-implement lang po kami ng window hours. Identified po, like for Mamburao, identified po sino yung mga retailers na ise-serve natin from 8:00am – 8:30am, 8:30am – 9:00am para maiwasan naman po natin yung masyadong tao po sa loob ng opisina”

NFA Provincial Manager – Mamburao Libette Ignacio

Samantala, dahil sa malaking bahagi ng rice inventory ang lumabas noong panahon ng pandemiya, patuloy naman ang rice milling process para ma-replenish o mapanatili ang standard rice inventory ng warehouse.

On-going po ang ating paggi-giling o pagpo-proseso and actually nag-recommend na kami ng another round. Nakatapos na kasi ang kontrata ni Sotto Rice Mill sa amin. And we recommended for another round of milling, and 30,000 bags po ito.

At kung maaprubahan ang kanilang rekomendasyon para paggigiling ng 30,000 bags sa unang linggo ng Agosto, masisiguro muli ang stocks of inventory ng habang hinihintay ang paghinog ng mga bagong tanim na palay.

Kung ito po ay maa-approve as early as first week of August, kampanteng-kampante po tayo na mayroon tayong enough na stocks hanggang sa bago po ulit mag-anihan.

WATCH videos of NFA Provincial Manager Libette Ignacio’s interview for more information:

PART 1 INTERVIEW WITH NFA PROVINCIAL MANAGER LIBETTE IGNACIO

Part 1Panayam Kay NFA Provincial Manager – Mamburao MS. Libette IgnacioHataw Mamburao Radio ProgramThe BAY FM 99.3 Mhz. Great Music and Local News July 31, 2020

Posted by Hataw Mamburao on Thursday, July 30, 2020

Part 2 INTERVIEW WITH NFA PROVINCIAL MANAGER – MAMBURAO MS. LIBETTE IGNACIO

Part 2Panayam Kay NFA Provincial Manager – Mamburao Ms. Libette IgnacioHataw Mamburao Radio ProgramThe BAY FM 99.3 Mhz. Great Music and Local News July 31, 2020

Posted by Hataw Mamburao on Thursday, July 30, 2020

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot ng 2,178.64  thousand metric tons ang pinagsamang rice inventory ng NFA, commercial warehouses at households as of March 1, 2020.

Mula sa kabuuang inventory, mayroong 481.81 metric tons ang NFA. Nasa 715.81 metric tons ang nasa commercial warehouses, habang 981.02 metric tons naman ang nasa households.

Ayon pa sa report ng PSA, mas mababa ito ng 1.9% kumpara sa nagdaang taon sa parehong buwan na mayroong 2,221,42 thousand metric tons at mas mababa din ng 8.3% kumpara sa nagdaang inventory ng buwan ng Pebrero 2020 na mayroong 2,375.50 thousand metric tons.

Paliwanag pa ni PM Ignacio, malaki ang ginampanan ng National Food Authority (NFA) sa panahon ng pandemiya upang matugunan ang kanilang pangangailangan na mabigyan ng food relief assistance ang kanilang nasasakupan. Sa bayan ng Mamburao pa lamang, umabot sa 1,000 bags ng bigas ang nabili ng pamahalaang bayan ng Mamburao sa pangunguna ni Mayor Lyn Tria.

NFA RICE LIBETTER IGNACIO PUNTO MINDORO
File photo from internet.

Bago ang kanyang assignment bilang NFA Provincial Manager, nagsibli siyang Assistant Provincial Manager sa bayan ng San Jose. Nagsimula siya sa Mamburao bilang NFA Provincial Manager nnong unang linggo ng buwan ng Abril 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.