New MDRRMO Building ng Mamburao, pinasinayaan

Opisyal nang pinasinayaan ang bagong gawa na Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Building (MDRRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Mamburao sa pangunguna nina Mayor Lyn Tria at Vice Mayor Joel Panaligan.

FROM THE INSIDE:

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Bukod sa bagong building, pinabendisyunan din kay Msgr. Karl Dimaano ang bagong ambulansya, rescue vehicle, service vehicle ng Traffic and Parking Management Division (TPMED) at Municipal Veterinarian Office (MunVet), ganun din ang mobile patrol ng Municipal Police Station na mula naman sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam kay Mayor Lyn Tria, maging siya ay hindi makapaniwala na sa loob ng apat na taon ay makakapag-pagawa ng MDRRMO Buildng at makakbili ng mga sasakyan ang administrasyon nila ni Vice Mayor Panaligan.

Pinatutunayan lamang umano nito na may magagawa ang isang nanunungkulan kung nasa tama ang pag-iingat at pamamahala ng kaban ng bayan.

Dagdag pa niya, ang pagbili ng mga sasakyan, kagamitan, at pagpapagawa ng MDRRMO Building ay para sa epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.

MDRRMO MAMBURAO

Pinasalamatan din ni Mayor Tria ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na naroon din sa okasyon tulad nina Konsehal Raul Masangkay, Damsy Abeled, Bito Alastro, Boy Olfato, Fe Agoncillo Abeleda, Abel Pantoja at iba pa sa kanilang pakikiisa at pag-apruba ng mga programa ng kanyang administrasyon.

Ayon naman kay Municipal Disaster Management Officer Zyron Criste, simula nang maitalaga siya noong 2017 ay sinimulan na niya ang pag-iipon ng pondo para sa bagong building. Ito ay sa tulong na rin nina Mayor Tria, Budget Officer Shella Cabrera, mga Department Heads, at Municipal Risk Reduction and Management Council, na inaaprubahan naman ng Sangguniang Bayan.

Una na nilang ginamit ang lumang building sa likod ng munisipyo kung saan pinagkakasya ang mga kagamitan na taon-taon din ay naa-acquire ng pamahalaang bayan gamit ang Disaster Fund.

MDRRMO MAMBURAO

Sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P3.4 million ang dalawang palapag na MDRRMO Building na sinimulang gawin noong September 2020 at natapos nitong February 2021.

Sa atas na rin ni Mayor Tria, magsisilbing Command Center ang ikalawang palapag ng gusali kung saan ilalagay ang mga monitor ng nasa 28 CCTV Camera na ilalagay sa mga kalye, ganun din sa mga accident at disaster prone areas sa kabayanan.

Magsisilbi na rin itong Conference Room para sa mga mahahalagang pagpupulong, lalo na sa panahon ng kalamidad, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.