Mayor Tria, hinikayat ang asosyon sa Camurong na lumaban

Bilang isang advocate ng women empowerment at livelihood programs, hinikayat ni Mayor Tria ang komunidad ng Camurong sa bayan ng Abra de Ilog na magbuo ng asosasyon upang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng hanap buhay.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Paliwanag pa ni Mayor Lyn Tria ng Mamburao, sumama siya sa pagpunta sa Camurong dahil nais niyang makita ang ginagawa ni Congresswoman Nene Sato sa pagdadaos ng isang konsultasyon sa mamamayan.

Ito aniya ang tulay sa pag-unlad ng isang komunidad kung saan inaalam ang kanilang pangangailangan upang mabigyang pansin ng ahensya ng gobyerno at ng mga nanunungkulan.

MAYOR TRIA CAMURONG
Nagsagawa ng konsultasyon si Cong. Josephine Ramirez Sato sa komunidad ng Camurong na sinamahan naman ni Mayor Lyn Tria. September 4, 2020.

Sa pagkakataong nailaan sa kanya na magbigay ng mesahe, sinabi niya na hangga’t maaari ay huwag lagyan ng hadlang ang anumang pagkakataon na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan lalo na sa panahon ng pandemya.

At sa kagandang namalas niya sa Camurong, nagpahayag siya ng kahandaan na maging isa sa mga mag-aanyaya sa mga turista na bumisita din sa Camurong lalo na kapag natapos na ang ginagawang kalsada na magdudugtong sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

MAYOR TRIA CAMURONG
Mayor Lyn Tria habang kausap si Abra de Ilog Vice Mayor Boyet Quito (kaliwa) at Vice Gov. Peter Alfaro.

Para naman higit pang palakasin ang loob ng mga asosayon, hinabilinan niya ang mga ito na patuloy na lumaban at buksan ang puso at isipan para sa pagbabago sa panahon ng pandemya. Ito ay dahil sa mayroong mga tao at ahensya ng gobyerno na handang tumulong sa kanilang pag-unlad.

MAYOR TRIA CAMURONG
MAYOR TRIA CAMURONG

Sa kanyang karanasan bilang Punong Bayan ng Mamburao, nakita niya ang kahalagahan ng asosasyon upang mabago ang buhay ng mamamayan. Aniya, sa pamamagitan ng asosasyon ay mapapagkalooban ng livelihood package ng gobyerno na magbibigay ng mapapagkitaan sa miyembro nito.

Kasama ni Mayor Tria sa Camurong ang ilang miyembro ng Sangguninang bayan ng Mamburao na sina Kon. Raul Masangkay, Kon. Boy Maneja, Kon. Damsy Abeleda, Kon. Bito Alastre, Kon. Boy Olfato, at Kon. Fe Agoncillo Abeleda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.