COVID19: Mayor Sonny Pablo, binisita ang mga kababayang stranded sa Bulalacao

Aabot sa labingpitong (17) katao na residente ng bayan ng Rizal, Occidental Mindoro ang kasalukuyang stranded sa Bulalacao, Oriental Mindoro ang tinungo ni Mayor Sonny Pablo upang bigyang tulong at ayuda, April 14.

Ayon kay Mayor Sonny Pablo, kaninang umaga lamang nakarating sa kanyang kaalaman na mayroon siyang mga kababayan na na-stranded sa boundary ng dalawang lalawigan.

FROM THE INSIDE:

SONY PABLO PUNTO MINDORO

Hindi pahintulutan ang mga ito na makapasok sa Occidental Mindoro dahil na rin sa umiiral na enhanced community quarantine.

Nakasaad din sa inilabas na Executive Order No. 56-A ni Gov. Ed Gadiano ng Occidental Mindoro ang pagbabawal sa sinuman na makapasok ng lalawigan bilang bahagi pa rin ng pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

SONY PABLO PUNTO MINDORO

Sa panayam kay Mayor Sonny Pablo, sinabi niya na nakadalawang gabi na ang kanyang kababayan sa Bulalacao kung kaya’t dinalhan niya ang mga ito ng pagkain, tent, beddings at maging toiletries, para sa kanilang pansamantalang matutulogan sa tabi ng highway.

Bale 17 yun na taga barangay Salvacion. Nasa boundary sila sa Bulalacao. Bale naka dalawang gabi na sila doon. Kanina ko lang nalaman kaya pinuntahan namin agad at dinalhan ng pagkain at matutulugan.

MAYOR SONNY PABLO

Samantala, bilang respeto at pagtalima sa Executive Order No. 56-A, susulat siya kay Gov. Ed Gadiano upang magbaka-sakali na mapayagan ang kanyang kababayan na makauwi sa bayan ng Rizal.

SONY PABLO PUNTO MINDORO

Ihahanda na rin ni Mayor Sonny Pablo ang isolation facility para sa 17 kababayan kung saan sila sasailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw kung sakaling payagan na makauwi.

Dapat ready na ang isolation facility namin. Bale pinapagawa na namin un ngayon. 14 days namin silang ika Quarantine at aalagaan, papakainin. Bilang pagiingat na din sa aking mga kababayan

Labis na pagka-awa ang naramdaman ni Mayor Pablo nang makita ang kalagayan ng kanyang mga kababayan. Sa ibinigya niyang tent, umaasa siya na kahit paano ay magiging komportable ang kanilang pagtulog habang inaayos pa ang pakikipag-koordinasyon sa Kapitolyo.

Nakakaawa ang sitwasyon nila doon kaya pinuntahan namin. Sila na ang dumiskarte ng magiging bahay-bahayan nila.

Ang mga na-stranded ay nagtatrabaho sa Oriental Mindoro at naglakas-loob na sumubok na makauwi sa bayan ng Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.