Ang Special Education Fund (SEF) ang isa sa pinagkukunan ng gastusin ng mga pampublikong paaralan sa kanilang mga proyekto. Pero natengga ito sa nakalipas na ilan buwan.
Sa maagang pagtigil ng pagpasok sa paaralan ng mga bata dahil sa Covid-19 pandemic, natigil din ang mga gawain, programa, proyekto, at aktibidades ng paaralan.

FROM THE INSIDE:
- Mayor Lyn Tria orders closure of Silangan Market
- Mayor Lyn Tria: 50 katao lang ang pwede sa Mamburao
- Vendors to vacate Silangan market Saturday
- May hinihingi ba si Mayor Tria sa mga kontraktor sa Mamburao?
Katapat ng mga kaganapan ang hindi rin pag-usad ng utilization ng Special Education Fund o SEF na inilalaan ng pamahalaang bayan para sa mga pangangailangan ng paaralan.



Ang Special Education Fund ay ang karagdagang isang porsyento (1%) sa real property taxes na kinokolekta ng local government kabasay ang amelyar. Ito na ang nagsisilbing suporta ng pamahalaang bayan sa pampublikong paaralan na dumadaan sa pagpapasya ng Local School Board.
Ang Local School Board naman ay binubuo ng mga guro mula sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan. Binibigyang kalayaan ang Local School Board na pagdesisyunan kung paano gagamitin at hahatiin sa bawat paaralan ang nalilikom na pondo taon-taon bilang Special Education Fund.



Gaya ng nabanggit, dahil sa pandemya, hindi nagamit ng mga paaralan ang kanilang alokasyon mula sa Special Education Fund. Mayroon ding mga programa at aktibidades na hindi na akma sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa mga itinatakdang health protocols tulad ng faces mask at social distancing.
Bunsod nito, sa mungkahi nina Mayor Lyn Tria at Budget Officer Shella Cabrera, kinakailangan ang realignment ng pondo upang maging akma at itugma sa kasalukuyang sitwasyon sa sektor ng edukasyon.



Ayon kay Mayor Tria, kailangan na ipatawag ang lahat ng miyembro ng Local School Board sa isang pagpupulong upang mapag-usapan at mapag-desigyunan kung paano ang gagawing realignment ng kanilang Special Education Fund.
Itatakda pa ang araw ng nasabing pagpupulong.