COVID19 | Mayor Eric Constantino: Isang sakong bigas, isang tahanan sa Abra de Ilog

Mayor Eric Constantino: “Isa lang ang pakiusap ko – makarating sa dapat pagbibigyan ang biyayang ito na may paalala – pakinabangan ng maigi dahil mahihirapan na tayong maulit o matumbasan.

Sa pagpapalawig ng Enhanaced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, patuloy na pina-iigting ng Bayan ng Abra de Ilog sa pamumuno ni Mayor Eric Constantino ang ginagawang quarantine. Mahigpit ang kampanya ng bawat Barangay na dapat manatili ang lahat sa kanilang mga bahay habang sinisiguro na may matatangap na ayuda ang bawat pamilya.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

ERIC CONSTANTINO

Kaugnay nito, nauna na nalathala ang pagbibigay ng food pack na ayuda sa bawat pamilya na pinaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Abra de Ilog sa pangunguna ni Mayor Eric A. Constantino, MAO Juluis A. Amodia, MSWDO Elonie R. Ebora at iba pang myembro ng Food and Non-food Cluster.

Sa ikatlong pagkakataon, muling mag aabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan para sa halos siyam (9) na libong pamilya sa mamamayan ng Abra de Ilog. ISANG SAKONG BIGAS BAWAT TAHANAN!

ERIC CONSTANTINO

Ang mga bigas na ito ay muling binili mula sa mga lokal na magsasaka sa Bayan ng Abra de Ilog, ayon na rin sa direktiba ni Mayor Eric Constantino.

Matatandan na nitong nakaraang linggo lamang ay namahagi sila ng mga gulay mula sa mga lokal na magsasaka. Ang 4170 na bag ng gulay ay handog para sa mga nakakatanda, may kapansanan at malnourished na mga bata.    

ERIC CONSTANTINO PUNTO MINDORO
ERIC CONSTANTINO PUNTO MINDORO

“Mamamahagi na tayo ng Ating Tulong Bigas sa Ating mga Mamamayan. Ni kailan man di natin naging simulain, patakaran o pamamalakad na gamitin ang tulong at kawang gawa sa pag aangat sa sarili. Pera ng taongbayan ito, ibinabalik lang natin sa kanila.

Pinagkatiwalaan lang tayo mangasiwa nito. Isa lang ang pakiusap ko – Makarating sa Dapat Pagbibigyan ang Biyayang ito na may Paalala – Pakinabangan ng Maigi dahil mahihirapan na tayong maulit o matumbasan.

Gamitin ang Palugit at Panahong Pantawid na Idudulot ng Biyayang ito para Palaganapin, Paghusayin ang Kakayanan ng Bawat Pamilya na Tustusan ang Pangangailangan sa Pagkain Pag Naisaing na ang Huling Salop na Handog. Magpasalamat sa Panginoon. Pagpalain at Pagkaingatan Nawa Tayong Lahat ng Ama.”  

ERIC CONSTANTINO PUNTO MINDORO

Ito ang mensahe ni Mayor Constantino sa unang araw ng pamimigay ng bigas ngayong ika-14 ng Abril, 2020. Labing apat (14) ang tinalagang distribution points ng Food and Non-Food Cluster team na sumasakop sa lahat ng sampung (10) Barangay sa Bayan ng Abra de Ilog.

Sa kasalukuyan may kanya-kanyang sistemang pinapatupad ang mga distribution points. Ang sistema ay naayon sa kalagayan ng lugar at napagkasunduan ng mga lokal na opisyales ng bawat Barangay

Sa kasalukuyan din ay nasa ikatlong beses na ng pamimigay ng food relief assistance of pamahalaang bayan ng Abra de Ilog.

Photos by PIO Abra de Ilog, Occidental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.