Maneja: Mag-provide ng projects para sa mangingisda

Sa isinagawang Municipal Budget Consultation para sa taong 2021 ng pamahalaang bayan ng Mamburao kasama ang mga department heads, hiniling ni Sangguniang Bayan member Kon. Boy Maneja sa Municipal Agriculture Office na kung maaari ay maglaan ng pondo para sa mga proyekto para sa mangingisda.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Aniya, sa mga nagdaang taon, kadalasan ay sa mga magsasaka ang nabibigyan ng proyekto, lalo na ang mga galing sa national government agencies.

Ganito rin ang naging sentimyento ni Mayor Lyn Tria. Ayon sa kanya, nagtatampo na ang mangingisda kung kayat dapat lamang na mapagtuunan din ng pansin ang kanilang kalagayan, lalo na ang mga maliliit na mangingisda.

MANEJA BOY

Paliwanag naman ni Municipal Agriculturist Sunshine Singun, ang mga proyekto na nabibigay sa mangingisda ay iyong malalaking proyekto na kadalasan ay mga national government agencies ang may kakayanan na makapagbigay.

Sa punto pa ni Kon. Maneja, hangga’t maaari ay hatiin ng pantay ang pondo ng Municipal Agriculture Office para sa magsasaka at mangingisda. Bukod sa mga lambat, makina, o bangka, dapat ay mayroon pa ring programa, halimbawa na lamang ng para sa kanilang may bahay, na maaring pondohan ng pamahalaang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.