Mamburao OFW, nagpasalamat kay Cong. Nene Sato

Nakipagkita ang isang OFW mula sa bayan ng Mamburao kay Cong. Josephine Ramirez-Sato, upang magpasalamat sa tulong at pag-asikaso sa kanyang kalagayan na nagresulta ng kanyang maayos na paguwi at makatakas sa malupit na amo sa Riyadh, Saudi Arabia, June 30.

Ayon kay Doris Bautista Cruz, nakaranas siya ng pagmamaltrato nang magtanong sya sa amo ng day-off na kasama sa kanyang kontrata. Ang pagmamaltrato ay nauwi sa pagbebenta sa kanya sa ibang agency.

FROM THE INSIDE:

Sa sumunod niyang amo, nakaranas siya na hindi pakainin at matulog kasama ang mga alagang pusa ng kanyang amo sa kusina.

May isang grupo naman sa Mamburao na nagsilbing support group nya na nagpapadala sa kanya ng cellphone load upang hindi mawala o maputol ang komunikasyon sa kanyang pamilya sa Mamburao.

IN THE NEWS:

Inilapit ng kanyang pamilya kay Cong. Sato ang kanyang kaso na agad naman inaksyunan.

OFW

Ayon kay Cong. Sato, maging sya man ay nagpapasalamat na matiwasay na nakauwi ang OFW. Habilin din nya na maayos na pumili ng bansa o agency kung sakali man na makaisip na muling magtrabaho sa ibang bansa.

Humiling naman ang OFW na kung maari ay matulungan sya na mapapag-aral ang kanyang anak sa kolehiyo. Sagot ni Cong. Sato, nais niyang makausap ang kanyang anak upang malaman ang iba pang detalye para sa kanyang pag-aaral.

_________

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.