Mamburao, nagtala ng unang Covid-19 case

Matapos ang halos anim na buwang pakikipaglaban, opisyal nang nagtala ng kauna-unahang Covid-19 case ang bayan ng Mamburao, September 6.

Ang nag-positibo ay isang 26-anyos na lalaki at isang Person Deprived of Liberty (PDL) na naka-detain sa Provincial Jail.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Siya ngayon ang kinokonsiderang Case No. 57 sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Si Case No. 57 ay isa sa natukoy na 158 close contacts in Case No. 55 na isa ding PDL. Ang nasabing mga close contacts ay sumailalim sa swab testing noong August 29 kung saan 154 dito ay negative sa Covid-19.

MAMBURAO
Source: HATAW MAMBURAO. September 6, 2020

Si Case No. 57 ay asymptomatic, walang naitalang travel history at kasalukuyang nasa Isolation Area sa loob ng Provincial Jail. Natanggap ang resulta ng kanyang swab testing kahapon, September 6.

Ayon sa Occidental Mindoro Provincial Health Office, mayroon pang tatlong hinihintay na resulta ng swab testing mula sa Research Institute for Tropical Medical (RITM).

MAMBURAO
Source: PGO Occidental Mindoro. September 6, 2020.

Close Contacts

Sa panayam pa rin sa Provincial Health Office sa pamamagitan ng Facebook messenger, ang 158 close contacts in Case No. 55 ay kinabibilangan ng iba pang PDL sa loob ng Provincial Jail, Jail Guards, empleyado ng Family Court at iba pa.

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOG

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOGSeptember 4, 2020Konting paghihintay na lang at matatapos na ang kalsada ng Abra de Ilog na magdudugtong sa Oriental Mindoro. Malaking gawain pa ito, pero matatapos din. Tiwala lang mga tropa! 🙂 Panoorin ang buong video dito: https://www.youtube.com/watch?v=4Jk_K6ZvNxU

Posted by Philip Ramirez on Friday, September 4, 2020

Natukoy din ang pamilya at kamag-anak ni Case No. 55 bilang contacts, ganun din ang isang nurse at isang medical technician sa bayan ng Lubang.

Bukod pa dito ang anim na pulis at isang civilian employee ng Mamburao Municipal Police Station na nauna nang nadeklarang negatibo sa Covid-19.

MAMBURAO

PDL Mula Lubang

Matatandaan na gabi ng August 18 nang dumating si Case No. 55 sa Mamburao Municipal Police Station kasama ang kawani ng Lubang PNP. Kinabukasan ay dinala siya sa Family Court, bago pa ipasok sa Provincial Jail.

Naging malaking isyu ang pagbibiyahe kay Case No. 55 mula Lubang papuntang Mamburao nang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang swab testing.

August 17 nang kunan siya ng swab specimen habang nasa kustodiya pa ng Lubang PNP. Lumabas ang resulta ng kanyang test noong August 21 kung saan nagpositibo sya sa Covid-19. Nasa loob na siya ng Provincial Jail nang lumabas ang resulta.

AROUND THE NET:

Samantala, hindi pa malinaw kung si Case No. 55 ay residente ng Mamburao. Opisyal na itinala ang kanyang kaso sa bayan ng Mamburao dahil nasa munisipalidad ang Occidental Mindoro Provincial Jail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.