Mamburao LGU compound, magkakaroon na ng titulo

Nagsimula nang umusad ang pangarap ni Mayor Lyn Tria na mapa-tituluhan sa pamahalaang bayan ang Mamburao LGU compound.

FROM THE INSIDE:

Sa pagbisita ni DENR representative Crishella E. Coden, January 27, dala niya ang tinatawag na ‘Request For Issuance Of Special Patent For Local Or National Government Institutions‘ kung saan kailangang isumite ng LGU ang mga sumusunod:

  • Historical Background Of Possession/Occupation
  • Recent Photographs With Panoramic View And Improvements
  • Court Of LRA Certification Of No Pending Land Registration Case

MAMBURAO COMPOUND TITLE
Matiyagang binabasa ni Mayor Lyn Tria ang dokumento na dala ni DENR representative Crishella Coden. January 27, 2021.

Ayon kay Mayor Lyn Tria, ang pangarap niya na magkaroon ng titulo ang LGU compound ay bunsod na rin ng isa pa niyang pangarap na magkaroon ng sariling building ang Mamburao Municipal Police Station.

MAMBURAO COMPOUND TITLE
Nagpasalamat si Mamburao MPS OIC Chief-of-Police PMAJ Rodrigo Beup Borlado, Jr. kay Mayor Lyn Tria dahil magkakaroon na ng katuparan kanilang pangarap din na magkaroon ng sariling building sa loob ng compound the Mamburao LGU.

Sa pakikipag-coordinate sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), land title ang pangunahing requirement upang makapagbaba sila ng pondo para sa pagpapagawa ng Mamburao MPS Building.

Sa kasalukuyan ay tanging Mamburao MPS na lang ang wala pang sariling building.

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Ang proseso ng pagpapa-titulo ng LGU compound ay nagkaroon lamang ng pag-usad sa termino ni Mayor Lyn Tria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.