Mamburao Covid-19 Update: 33 active cases, 229 houses under quarantine

Sa datus ng Municipal Health Office, mayroon nang 33 active Covid-19 cases ang bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro, Huwebes, March 18.

INSIDE STORIES:

Kinumpirma din ito ni Mayor Lyn Tria sa kanyang Facebook Live na regular na niyang ginagawa tuwing hapon simula noong Lunes kung kailan nagsimulan din ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Brgy. Payompon at Brgy. 7.

Brgy. Payompon

Sa nakalipas na apat na araw, nananatiling Brgy. Payompon ang may pinakamataas na bilang aktibong kaso ng Covid-19. Patuloy itong nadaragdagan sa tuwing may lumalabas na resulta ng swab test mula sa mga natutukoy na primary close contacts.

Mayroon nang labingwalong (18) Covid-19 cases ang Brgy. Payompon. Sinundan ito ng Brgy. 7 na mayroong apat (4).

COVID19 UPDATE MAMBURAO 2

Households Under Quarantine

Kaugnay ng bilang ng active cases, Brgy. Payompon din ang may pinakamaraming bilang ng ‘households under quarantine’.

Ayon kay Mayor Lyn Tria, ito ang mga kabahayan na mayroong natukoy na ‘primary close contact’ na sumailalim na sa swab test at naghihintay ng resulta.

Primary Close Contacts

A primary close contact is generally someone who might have been exposed to the virus through:

1. face-to-face contact (for any amount of time) with someone with COVID-19 while they were able to spread the virus, including in the 72 hours before they got symptoms

2. sharing a closed space (for example, a room or office) with a someone with COVID-19 for at least an hour (or less if there is higher risk than normal, for example if there is poor air flow or people in the closed space were shouting or singing)

3. being in a place that has a lot of COVID-19, for example a country where the virus is spreading in the community

4. being in a place where there is higher risk of COVID-19 spreading, at that time of higher risk

https://coronavirus.tas.gov.au/

Base pa rin sa pinakahuling report ni Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing, umakyat na sa isandaan at tatlumpu’t dalawa (132) ang bilang ng households under quarantine sa Brgy. Payompon. Pumangalawa ang Brgy. Tayamaan sa dalawanpu’t limang kabahayan. Pangatlo ang Brgy. 4 sa kanilang labing-pito (17) na households under quarantine.

COVID19 UPDATE MAMBURAO 2

Sa kabuuan ay dalawandaan at dalawampu’t siyam (229) ang households under quarantine sa Mamburao na mula sa iba’t ibang barangay.

IN THE WEB:

Houses With Confirmed Cases

Nasa dalawapu’t siyam (29) ang kabuuang bilang ng kabahayan sa Mamburao kung saan nagmula ang mga aktibong kaso ng Covid-19. Labing-pito (17) dito ay matatagpuan sa Brgy. Payompon.

Mayroon namang apat (4) ang Brgy. 7, kasunod ang Brgy. 4 na mayroong tatlo (3).

Watch Mayor Lyn Tria’s Facebook Live Update here. March 18, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.