Lubang at yaman ng karagatan, para sa kababayan

Nang ipatupad ang Enhanced Community Quaratine (ECQ) hanggang sa maging General Community Quarantine (GCQ), naging pangunahing obligasyon ng local government units (LGUs) ang mabigyang ayuda o food relief assistance ang kanilang mga kababayan. At isa sa epektibong tumugon sa tungkulin na iyan ay si Mayor Michael Orayani ng Bayan ng Lubang, Occidental Mindoro.

trips schedule

FROM THE INSIDE:

Ayon kay Lubang Mayor Michael Orayani, mayroong 6,743 pamilya ang kanyang bayan base na rin sa bilang ng food relief assistance na kanilang naipamigay.

Hindi pa dito kasama ang mga pamilya na inabutan ng lock down o quarantine sa ibang na hindi nakauwi sa Lubang.

LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
Mayor Michale Orayani habang masayang nakikipagkwentuhan sa ilang senior citizens.

Sa una, mga food packs ang kanilang ipinamigay na karaniwang naglalaman ng noodles, bigas, at canned goods tulad ng sa ibang bayan. Naging supisyente ang kanilang supply sa unang round.

Subalit dahil sa isang island municipality ang Lubang, unti-unti ay nagiging limitado na ang supply ng goods.

Dito na nagpasya si Mayor Michael Orayani na gamitin ang yaman ng karagatan upang matustusan at masustentuhan ang pangangailangan pagkain ng mga kababayan.

At sa pagkakataong ito, walang iniwan si Mayor Michael Orayani. Dahil maging ang kanyang mga kababayan sa Lubang na na-stranded sa ibang lugar ay pinadalhan din niya ng yamang dagat mula sa kanyang nasasakupan.

Noong May 7, 2020, nakatawag ng pansin ng netizens ang nai-post na larawan ng kanilang Facebook page na Ang Pamahalaang Bayan Ng Lubang ng sako-sakong tuyong isda na naka-karga sa isang barko.

LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
Sako-sakong dried fish ang ipinadala ni Mayor Michael Orayani sa mga kababayan na naipit ng quarantine sa Brgy. Salapan, San Juan City.

Sa panayam kay Lubang Mayor Michael Orayani, para ito sa kanyang mga kababayan na naipit ng quarantine sa Brgy. Salapan, San Juan City, Manila.

Aniya, hinahanap-hanap ng kanyang mga kababayan ang tuyong isda tulad ng  inles, galunggong at dulis.

Kaya naman agad siyang nakipag-ugnayan kay Barangay Chairman Charles “Ayie” Tejoso ng Brgy. Salapan upang bigyang daan ang pagpapadala ng dried fish sa kanyang mga kababayan.

Pinasalamatan din niya ang mga kabataan ng Lubang at iba pana nag-volunteer sa pagre-repack ng mga pinadalang dried frish.

Pero bago pa ang kwento ng pinadalang dried fish sa mga kababayan, nauna nang namili ng isda mula sa mga lokal na mangingisda si Mayor Orayani.

Noong April 27 ay namili sila ng isda at pusit na ipinamigay din sa labing-anim (16) nilang barangay.

Ang naging aksyon na ito ng pamunuan ni Mayor Orayani ay umani ng papuri mula sa mga kababayan.

LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO
LUBANG DRIED FISH MAYOR MICHAEL ORAYANI PUNTO MINDORO

Sa mga gawaing ito ni Mayor Orayani, dalawang bagay ang nabigyan halaga: Una, natulungan ang lokal na mangingisda na nabigyan din sila ng agarang kita mula sa kanilang pinaghirapang hulihin na isda. At pangalawa, nabiyayaan ng sariling yamang dagat ang mga kababayan sa panahon ng Covid-19 crisis.

Isang itong malinaw na indikasyon ng kanyang pagmamahal at pagkalinga sa mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.