Lt. Col. Hindang, iprinisinta ang 2 NPA na sumuko sa 76th IB, 2ID Philippine Army

Ipinakilala ni Lt. Col. Hindang ang dalawang taga-Occidental Mindoro na dating miyembo ng maka-kaliwang grupo ang nagbalik loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng 76th Victrix Infantry Battalion, 2 Infantry Division ng Philippine Army.

Sa isang programa na ginanap sa kampo ng 76IB, 2ID PA sa Brgy. San Luis, Mamburao, Occidental Mindoro sa pangunguna ni Lt. Col. Bienvenido Hindang, isinagawa ang simbolikong ‘turn-over of firearms’ sa gobyerno na sinaksihan nina Cong. Josephine Ramirez Sato, Office of the Presidential Advisor for Sothern Luzon Assistant Sec. Markus, Lacanilao, Vice Governor Peter Alfaro, Board Member Philip Villaluna Ramirez, DILG Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave, at Voltaire Corpuz na tumatayong representative ni Gov. Ed Gadiano bilang ELCAC Focal Person.

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Kwento ni Lt. Col. Hindang sina Ka Gaspar, mula sa bayan ng San Jose, at Ka Jelai na mula naman sa Abra de Ilog ay parehong miyembro ng maka-kaliwang grupo na nag-ooperate sa Oriental Mindoro.

Una umanong nagpaabot ng mensahe ng pagsuko si Ka Gaspar sa pamamagitan nang magsagawa sila ng Serbisyo Caravan sa isang barangay sa Oriental Mindoro. Kinagabihan ay nagsagawa sila ng mga proseso hanggang sa makuha si Ka Gaspar, hanggang sa maisama sa na nila pabalik ng Occidental Mindoro.

LT. COL HINDANG
(From left) 2 surrenderees, Cong. Josephine Ramirez Sato, ASec. Markus Lacanilao, Vice Gov. Peter Alfaro, DILG Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave, ELCAC Focal Person Voltaire Corpuz.

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO

Si Ka Jelai naman ay kasama umano sa grupo na kanilang naka-engkwentro sa Socorro, Oriental Mindoro. Nagpa-abot din sa kanila ng mensahe matapos din ang isinagawang Serbisyo Caravan sa Brgy. Udalo sa Abra de Ilog kung saan kasama si Congw. Sato.

Dagdag pa niya, labing-anim na taong gulang pa lamang si Ka Jelai nang sumama sa maka-kaliwang grupo noong 2016. At dahil sa isang babae, minabuti niya na imbitahin si Congw. Sato bilang isa ding babae at upang maramdaman ni Ka Jelai ang pagkalinga ng gobyerno.

Ayon pa kay Lt. Col. Hindang, malaking kabawasan sa maka-kaliwang grupo ang pagsuko nina Ka Gaspar at Ka Jelai dahil isa kanila ay Logistics Officer. Pinapatunayan lamang umano nito na humihina na ang suporta ng masa sa kanilang adhikain. Nakakarating din aniya sa kanila ang programa ng pagkalinga ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 70 o End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa pamamagitan ng mga flyers na kanilang ipinamimigay sa iba’t ibang komunidad.

https://puntomindoro.com/
Cong. Josephine Ramirez Sato. November 26, 2020.

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO
Vice Gov. Peter De Jesus Alfaro. November 26, 2020.

Sa mensahe naman ni Congs. Josephine Ramirez Sato, inalala niya ang panahon nang una nilang tanggapin sa Occidental Mindoro ang Philipine Army noong 2002. Isa dito si Lt. Col. Hindang sa mga batang sundalo na na-assign sa lalawigan.

Aniya, kinaharap niya ang mga batikos mula sa iba’t ibang sektor na pinapayagan niya ang militarisasyon ng lalawigan. Ganun pa man, pinandigan niya ito at kasalukuyang nakikita na ng mamamayan ang kahalagahan ng Philippine Army sa pagsusulong at pagprotekta sa kapayaan na tinatamasa ng Occidental Mindoro.

Binigyang diin din ni Congw. Sato na hindi makakamit ang kaunlaran kung walang katahimikan.

At sa pagbabalik loob sa pamahalaan nina Ka Gaspar at Ka Jelai, maihahalintulad umano ito sa parabula ng ‘The Prodigal Son’ kung saan naging masaya at naghanda ang isang pamilya sa pagbabalik ng isang anak na nawalay ng landas. Ganun din umano ang kanyang nararamdaman bilang Ina Ng Lalawigan, kasama ang Philippines Army, ang Pamahalaang Panlalawigan, at DILG na nagpaliwanag ng mga programa at sebisyong nakahanda para sa kanila sa ilalim naman ng E-CLIP.

Inihalintulad naman ni DILG Provincial Director Juanito Olave ang sitwasyon nina Ka Gaspar at Ka Jelai sa isang pastol na iniwan ang karamihan ng kanyang tupa upang hanapin ang isa pa niya tupa na nawalay din ng landas. Aniya, ganito ang kasalukuyang ginagawa ng gobyerno, na naghahanap ng mga kapamilya na ibang landas ang tinahak. At sa kanilang pagbabalik, ganun din ang pagsuko ng kanilang armas, sisimulan agad aniya ang pagsasaayos ng mga dokumento upang matanggap nila ang tulong, programa, at sebisyo ng gobyerno para sa kanila.

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO
Bokal Philip Villaluna Ramirez with Lt. Col. Hindang, Bienvenido.

Sa pahayag naman ni Vice Gov. Peter Alfaro, kasama ang Sangguniang Panlalawigan, ay gagawin lahat ng pamahalaan  upang patunayan kina Ka Gaspar at Ka Jelai na hindi sila nagkamali sa pagbibigay muli ng tiwala sa gobyerno sa pamamagitan ng serbisyo at tapat na paglilingkod.

Ipinaabot naman ni ELCAC Focal Person Voltaire Corpuz ang pagbati ni Gov. Ed Gadiano sa kanila. Ayon sa kanya, pinatutunayan lang ng mga pangyayari na nararamdaman nila ang serbisyong hatid ng gobyerno sa mga kanayunan. Sa katunayan aniya ay naglabas din ng Executive Order No. 29 si Gov. Ed Gadiano para i-localized ang pagsasama-sama ng mga national government agencies upang maisakatuparan ang objective ng ELCAC.

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO
DILG Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave. November 26, 2020.

LT. COL. HINDANG BIENVENIDO
ELCAC Focal Person Voltaire Corpuz. November 26, 2020.

Samantala, sa isang panayam matapos ang nasabing programa, sinabi naman ni Bokal Philip Ramirez na naniniwala siya na sa darating na panahon ay magiging matatag at matibay ang aspetong kapayapaan sa lalawigan. Ito din umano ang susi para maisulong ang agresibo at progresibong kaunlaran sa Occidental Mindoro.

Iisa rin ang naging hiling ng lahat na sana ay maging halimbawa sina Ka Gaspar at Ka Gelai sa iba pa nilang kasamahan dahil mayroong sapat na programa ang gobyerno na naghihintay sa kanila sa kapatagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.