Pansamantalang ipapatigil ang pagpasok ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Probinsiya ng Occidental Mindoro sa loob ng sampung (10) araw simula 𝙎𝙚𝙥𝙩𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 26, 2020 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙊𝙘𝙩𝙤𝙗𝙚𝙧 5, 2020 dahil na rin sa dumadaming bilang ng nagpo-positibo sa Covid-19 mula sa kanilang hanay.
FROM THE INSIDE:
- LSIs, APOR, ROFWs, bawal muna sa San Jose sa loob ng 10 araw
- Bokal Philip Ramirez: Saan dinadala ang umuuwing LSI?
- 4 Punong Barangay sa MIMAROPA, suspendido

Ang pagpapatigil ay base sa 𝙅𝙤𝙞𝙣𝙩 𝙍𝙚𝙨𝙤𝙡𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙉𝙤. 7 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙤𝙛 2020 ng Regional Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (RIATF) MIMAROPA at Regional Task Force Against Covid-19 MIMAROPA.
Nauna nang nagpatupad ang Oriental Mindoro ng 𝟏𝟒-𝐃𝐀𝐘 𝐌𝐎𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐈𝐔𝐌 simula September 21 hanggang October 4, 2020 sa pag-uwi ng mga LSIs. Naibahagi ito sa publiko ni Gov. Bonz Dolor sa kanyang Facebook post noong September 19, 2020.



Noong September 20, 2020 ay pinirmahan ni Mayor Muloy Festin ng San Jose ang 𝙀𝙭𝙚𝙘𝙪𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙉𝙤. 69 𝙎2020 para sa pansamantalang pagpapatigil ng paglabas-pasok ng LSI upang bigyang daan ang mandatory swab testing ng MDRRMO personnel na nagha-handle sa LSIs.
Sinundan ito ng 𝙀𝙭𝙚𝙘𝙪𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙉𝙤. 74 𝙎2020 kung saan, kasama ng LSIs, ay sinuspendi na rin ang pagpasok at paglabas ng mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at Repartiriated Overseas Filipino Workers (ROFWs) sa loob ng sampung (10) araw simula September 22, 2020 hanggang October 1, 2020 upang bigyang daan ang patuloy na disinfection sa local government offices at mandatory swabbing ng mga empleyado. Pinirmahan niya ito noong September 21, 2020.
Sa huling datus ng Provincial Health Office Occidental Mindoro ngayong gabi, September 24, mayroon nang naitalang labingwalong (18) LSIs na nagpositibo sa Covid-19.
Labingtatlo (13) sa kanila ang naideklara nang recovered patients. Tatlo (3) ang nanatiling active cases.
Sa kasalukuyan ay mayroong nang kabuuang 103 Covid-19 cases (cumulative number of cases) ang Occidental Mindoro kung saan dalawanpu at walo (28) ay active cases ang status.
Kinabibilangan ito ng dalawampu at limang (25) local cases at tatlong (3) imported cases (LSIs).
Base pa rin sa PHO, mayroong tig-isang kaso ng Covid-19 ang Mamburao at Sablayan, habang 26 naman sa bayan ng San Jose.
Click here for references: