LSIs, APOR, ROFWs, bawal muna sa San Jose sa loob ng 10 araw

Sa bisa ng Executive Order No. 74, Series of 2020 na pinirmahan ni Mayor Muloy Festin noong 21 September 2020, pansamantala munang ititigil ang pagtanggap o paglabas-pasok ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Authorized Persons Outside Residence (APOR) at Repatriated Overseas Filipino Workers (ROFWs) sa San Jose, Occidental Mindoro sa loob ng sampung (10) araw mula September 22, 2020 hanggang October 1, 2020 (Section 1).

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Ito ay upang bigyang daan ang patuloy na disinfection ng local government offices at mandatory swabbing ng lahat ng empleyado ng pamahalaang bayan ng San Jose.

Ayon sa Section 2, habang hinihintay approval ng Regional IATF para dito, ipatutupad ang mga sumusunod:

  • Bago pumasok ng San Jose, ang mga LSIs at APOR ay dapat mayroong RT-PCR result valid for five days bago sila bumiyahe
  • Ang LSIs ay sasailalim sa mandatory standard 14-day quarantine pagdating ng San Jose. Ang APOR naman ay papayagan na magtungo sa kanilang official duty/business kung hindi siya magpapakita ng sintomas ng Covid-19. Kung sakaling magpakita ng sintomas ang APOR, sasailalim din sila sa mandatory standard 14-day quarantine.
  • Kailangan ipakita iprisinta ng LSIs at APOR ang kanilang mga dokumento (i.e. health clearance, travel authority, others) pagdating sa checkpoint areas ayon sa hinihingi ng IATF at ng San Jose LGU.
  • Sa pagdating/paglabas ng San Jose, ang mga LSI at APOR ay dapat makipag-coordinate sa MDRRMO para sa checking of documents, recording and documentation, scheduling and endorsement to proper authorities. Kailangan din nilang magtungo sa Municipal Health Office para sa issuance ng kanilang health certificate at iba pang medical health purposes
  • Ang mga nabanggit ay applicable din o dapat ding sundin ng Repatriated Overseas Filipino Workers (ROFWs) tulad ng RT-PCR at mandatory standard 14-day quarantine.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon naman sa Section 3, ang mga sasakyan na nabigyan ng Food Lane Vehicle Pass ay dadaan din sa masusing inspeksyon upang masiguro na wala itong sakay na undocumented travelers.

Matatandaan na sa Section 3 ng naunang inilabas na Executive Order No. 69, Series of 2020, tanging Locally Stranded Individuals (LSIs) ang pansamantalang pinagbawalan na makapasok/labas ng San Jose dahil sa sasailalim ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mandatory swab testing. Sa Executive Order No. 74 S2020, isinama na ang APOR at ROFWs.

LSIs APOR ROFWs SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO
Check out the OFFICIAL ENTRIES for Mobile Phone Photo Contest of Bokal Philip Ramirez.

Sa kasalukuyan ay mayroong 22 Covid-19 cases ang San Jose na kinabibilangan ng mga empleyado ng pamahalaang bayan. Ayon sa San Jose Municipal Health Office, lahat sila ay na-expose sa positibong kaso ng Covid-19.

Narito ang Executive Order No. 74 Series of 2020 ni San Jose Mayor Muloy Festin:

LSIs APOR ROFWs SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO

LSIs APOR ROFWs SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO

LSIs APOR ROFWs SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.