LOOC: Pwedeng lumabas for essentials kahit lockdown

Nilinaw ng Pamahalaang Bayan ng Looc, Occidental Mindoro na maaring lumabas ng bahay kahit na mayroong ipinapatupad na “localized lockdown” sa pitong barangay, October 23.

Ayon sa Facebook page post ng Lgu Looc Occidental Mindoro, pinapayagan ito, subalit para lamang sa kanilang pangangailangang “essentials” at hindi ang para magpagala-gala lamang.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

FROM THE INSIDE:

Matatandaan na noong October 22 ay naglabas ng anunsyo ang Looc LGU kung saan isinasailalim sa localized lockdown ang pito nitong barangay – Brgy. Agkawayan, Brgy. Ambil, Brgy. Balikayas, Brgy. Burol, Brgy. Bonbon, at Brgy. Guitna, at Brgy. Kanluran. Kaugnay umano ito ng ikalawang Covid-19 case sa kalapit bayang Lubang na isang 75 taong gulang na babae mula sa Brgy. Tilik.

Ang localized lockdown ay nagsimula noong October 21 at matatapos hanggang November 3, 2020.

Samantala, ayon sa opisyla na pahayag ng Looc Rural Health Unit, base sa resulta ng kanilang isinagawang contact tracing, mayroong natukoy na isang (1) close contact na “nai-ugnay sa kaso na naninirahan sa Brgy. Balikyas”. Wala naman umano itong nararamdamang sintomas at nag-negatibo sa Rapid Antigen Test.

LOOC OCCIDENTAL MINDORO
Official statement of Looc Rural Health Unit. October 22, 2020

Sa kasalukuyang nasa Quarantine Facility ang natukoy na close contact kung saan siya mananatili hanggang matanggap ang resulta ng kanyang swab test.

Mayroon ding natukoy na walong (8) second-generation close contacts mula sa iba’t ibang barangay na kasalukuyan na ring mga naka-quarantine.

LOOC OCCIDENTAL MINDORO
Mga barangay na isinailalim sa localized lockdown.

Hindi naman kinumpirma ng Looc Rural Health Unit sa Facebook messenger interview kung ang nasabing walong (8) second-generation close contacts ay mula sa pitong (7) barangay na kasalukuyang nasa ilalim ng localized lockdown.

Not necessarily. However, third-generation close contacts across all barangays were identified.

Dagdag pa nila, ipinatupad ang localized lockdown bilang ‘initail step’ upang mabawasan ang paggalaw ng mga tao.

A localized lockdown was decided as an initial step to limit the movement of people, while waiting for the swab results of all 1st gen close contacts.

Looc Rural Health Unit
LUBANG OCCIDENTAL MINDORO
Official statement ng pamahalaang bayan ng Lubang kaugnay ng kanilang ikalawang Covid-19 case. October 21, 2020.

___________

Source: Lgu Looc Occidental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.