OrMin Locally Stranded Individuals Registration, sinimulan na

Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang registration ng kanilang mga kababayan na kinukonsiderang Locally Stranded Individuals na nagnanais makauwi sa lalawigan.

Opisyal na isinapubliko ni Gov. Bonz Dolor ang paanyaya kasabay din ng pagsasapubliko ng isang app na kanilang dinisenyo kung saan kailangang mag-register ang mga Locally Stranded Individuals (LSI).

FROM THE INSIDE:

Ang Locally Stranded Individuals ay ang mga kababayan na inabutan ng lock down o quarantine sa ibang lugar o probinsya na hindi nagawang makauwi sa Oriental Mindoro.

Ilan sa mga katanungan sa registration form na dapat bigyang kasagutan ng isang Locally Stranded Individual ay ang kung saang bayan o lugar sila naroon sa kasalukuyan, kung gaano na sila katagal sa nasabin lugar at kung saang bayan at barangay sila uuwi sa Oriental Mindoro.

Tinatanong din dito kung ng uuwi ay dumaan na sa 14-day quarantine at kung mayroon silang Certificate of Quarantine mula sa alin man sa DOH, City Health Office, Municipal Health Office, Barangay at iba pa.

LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS ORIENTAL MINDORO GOV BONZ DOLOR PUNTO MINDORO
Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor.

Ayon pa kay Gov. Bonz Dolor, ang Locally Stranded Individuals Registration Form ay bilang paghahanda “sa nakatakdang paglabas ng IMPLEMENTING GUIDELINES mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa PAGPAPAUWI” ng mga kababayan.

Mahigpit din ang kanyang paalala na “MAGSISIMULA LAMANG ANG PAGPAPAUWI NG LSIs MATAPOS MAILABAS NG IATF ANG IMPLEMENTING GUIDELINES”.

Narito ang disenyo o nilalaman ng kanilang registration form.

LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS

Click here to see the registration form site.

Matatandaan na noong May 6 ay nagpatawag ng meeting ang Occidental Mindoro IATF upang ilatag at ipaalam sa mga local government units ang kanilang BALIK LALAWIGAN Program na tumutukoy din sa kaparehong layunin.

Sa pamamagitan ni Provincial Planning and Development Officer Anthony Dantis, ipinakita ang disenyo ng BALIK LALAWIGAN Program na halos katulad din ng sa Oriental Mindoro.

LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS
Occidental Mindoro Gov. Ed Gadiano.

Subalit hindi pa agad ito naipatupad dahil kailangan pang mag-usap ang mga Municipal Health Officers para naman sa health protocols na dapat sundin kung sakaling maipatupad ang Program. Subalit wala nang sumunod na balita kung natuloy o naganap ang nasabing pagpupulong.

Sa kasalukuyan, mula pa noong mga nagdaang linggo, pagpapalista pa lang sa barangay ng mga locally stranded individuals ang isinasagawa. Subalit walang malinaw na paliwanag kung ito para sa pagpapauwi ng mga LSI.

LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS
Occidental Mindoro Provincial Planning and Development Officer Anthony Dantis.

Lalo huling impormasyon na nakalap, ipinatigil na umano ng Occidental Mindoro IATF ang BALIK LALAWIGAN Program sa pangamba na magkaroon ito ng conflict sa Executive Order 114 o Balik Probinsya, Bagong Pag-asa na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon ding May 6, 2020.

Kaninang umaga, sa teleconference meeting ng lahat ng Local Chief Executives ng mga bayan sa Occidental Mindoro, nagkaisa sila sa pagsusumite ng posisyon para sa extension ng General Community Quarantine sa kani-kanilang bayan, maliban sa bayan ng San Jose ng mayroong mga positibong kaso ng Covid-19.

Isa sa mga bumabagabag sa kanila ay ang kawalan ng guidelines o sistema sa pagpapauwi ng mga kababayan na kanilang hinihintay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.