Local transmission at timeline ng 4th Covid19 ng Oksi

Local transmission ang lumalabas na salarin sa pagkakaroon ng panibago at pang-apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Occidental Mindoro.

Ito ay base pahayag ni San Jose District Hospital Officer-In-Charge Dra. Anna Monica Bracamonte, umaga ng April 27. Hindi man niya tuwirang sinabi na mayroong local transmission, malinaw naman sa kanyang pahayag na nagkaroon ang pang-apat na pasyente ng exposure sa naunang kumpirmadong kaso na kalaunan ay namatay din.

FROM THE INSIDE:

Ang pang-apat na kumpirmadong kaso ay isang 35 year old na health worker sa San Jose District Hospital, San Jose, Occidental Mindoro.

Nagmula siya sa bayan ng Magsaysay at isang asymptomatic o walang ipikitang simtomas tulad ng ubo o sipon.

Ang pasyente ay isa sa mga sumalang sa isinagawang Expanded Mass Testing ng mga frontliners ng nasabing ospital noong April 20.

“Noong April 20, in-announce po namin sa aming Fb page na nagsasagawa na po ng swab test para sa aming health care workers na nakasalamuha ng ating Confirmed Case No. 1 dito sa San Jose, Occidental Mindoro. Sa kasamaang palad, isa po sa ating health care workers ay nag-positibo sa nasabing test”.

Dumating naman ang resulta ng test na ito noong April 26 at natanggap ng SJDH bandang 9:09 ng gabi.

Dahil dito, pansamanatalang isasailalim ang San Jose District Hospital sa lockdown upang bigyang daan ang “decontamination at testing ng lahat ng health care workers”.

Samantala, ayon pa kay Dra. Bracamonte, sumailalim na sa dalawampu’t isang (21) araw na quarantine ang 4th Covid-19 patient.

“Sya po ay nakapag-quarantine ng total twenty-one (21) days simula nang ma-expose sa ating namatay na confirmed case.”

DRA. ANNA MONICA BRACAMONTE, SJDH OIC

Balikan po natin ang mga nagdaang araw. Ito po ay base o mula sa mga posts ng PGO Occidental Mindoro Facebook page.

LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO
LOCAL TRANSMISSION PUNTO MINDORO

Tanong lang po siguro natin dito ay kung kailan nagsimula ang 21 days. Kung na-quarantine sya ng 21 days, hospital confinement ba or home isolation?

Let’s just hope na hindi ganung kalawak ang naging contact sa publiko ng ating 4th patient. Or else, it might result to another local transmission.

Sa isang banda, hinahangaan natin ang pamunuan ng San Jose District Hospital sa kanilang matapang na pagsisiwalat ng impormasyon sa publiko tungkol sa panibagong kaso ng COVID-19 sa Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.