LIGTAS COVID-19 CAMP NG RED CROSS AT ABRA DE ILOG

Nilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Abra de Ilog at ng Philippine Red Cross Occidental Mindoro Chapter ang LIGTAS COVID-19 Camp bilang isang paghahanda sa napipintong pagpapa-uwi ng stranded na kababayan mula sa ibat-ibang probinsiya at lalong higit sa Kalakhang Maynila.

Pormal na ikinasa ang Local Isolation and General Treatment Areas for Corona Virus 2019 Cases o LIGTAS COVID-19 Camp bilang Community-based Management na pasilidad para sa mga magiging pasyente na may banayad na sintomas na epekto ng virus sa loob ng labing apat na araw (14 days).

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Ang LIGTAS COVID-19 Camp ay isang stratehiya upang mapalawak ang paghahanda ng pamayanan sa posibling pagdami ng maaaring magkaroon ng sintomas ng COVID-19. Batid ng pamayanan at Lokal na Pamahalaan na mahirap magpatayo ng mga gusali upang paglagakan ng mga maaaring maging pasyente.

IN THE NEWS:

Sa hiling ni Mayor Eric A. Constantino, kaagad sinagot ng Philippine Red Cross Chairman na si Senator Richard J. Gordon ang panukalang magkaroon ng pakikipagtulungang proyekto na magkaroon ng mga tents na maaaring mabilisang maitayo sa mga lugar kung saan may kagyat na pangangailan o kakulangan ng isolation facilities. 

Ang bawat LIGTAS COVID-19 Camp ay mayroong portalets at mobile hand washing. Kasama rin sa ikinakasang kagamitan ang paglalagay ng solar panels na pagmumulan ng kuryente. Maaari itong itayo sa malalawak na lugar, kabundukan o maging sa mga tabing dagat.

Sa kasalukuyan ang Lalawigan ng Kanlurang Mindoro ay napailalim sa Pangkalahatang Pangpamayanang Kuwarentina kung saan mas napalawak na ang listahan ng mga industriya, opisina at gawaing bahagyang binuksan. Isa itong hakbang patungo sa tinatawag na bagong buhay.

Sa panahon ng pagsubok na ito at maging sa pagsisimula ng Bagong Buhay, patuloy na paiigtingin pa ang mga pagtutulungan ng Lokal na Pamahalan ng Abra de Ilog at Philippine Red Cross. Isa pa mga pangunahing nakikitang kagyat na pangangailan pa ng pamayanan na maaaring hilingin pa sa Philippine Red Cross ay ang pagkakaloob ng Hygiene Kits sa mga LIGTAS Covid-19 Community Isolation Units.   

Ilan pa sa programang posibling pagtulungan ng Bayan ng Abra de Ilog at Philippine Red Coss Occidental Mindoro Chapter ang COVID-19 testing at mga programang pagbangon patungo sa bagong buhay.

__________

Source: Abra de Ilog MDRRMO Geof Panganiban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.