Krus Na Parang, bubuksan para sa residente ng Abra de Ilog

Ayon sa rekomendasyon at aprubadong Resolusyon ng Abra de Ilog Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (ADI – MDRRMC), tanging mga residente lamang muna ng nasabing bayan ang bibigyang pahintulot na makaakyat sa Krus Na Parang sa darating na Huwebes Santo (April 1) at Biyernes Santo (April 2).

Ang Resolusyon ay nabuo matapos ang pagpupulong ng Council sa San Raphael Parish Church na isinagawa noong March 17, 2021.

INSIDE STORIES

Maximum Na Bilang

Tatlongdaan (300) indibidwal lamang ang papayagan na makaakyat sa isang araw kung saan binigyan ng tig-30 slots ang bawat barangay.

Registration

Kinakailangan na mag-rehistro (pre-registration) sa kanilang mga barangay ang mga nais umakyat 48-oras bago ang araw ng kanilang pag-akyat (Huwebes Santo at Biyernes Santo).

Sa pre-registration sa barangay, i-isyuhan sila ng QR-coded ID na kanilang ipi-prisinta pagdating nila sa Registration Area o ‘embarkation point‘ paakyat ng Krus Na Parang sa Brgy. Lumangbayan.

Dadaan din sila sa health check/assessment, ganun din ang validation ng kanilang QR-coded ID.

Support Team

Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at para na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, magtatalaga ang LGU ng tatlumpu’t isang (31) Tour Guide na sumailalim sa pagsasanay ng MDRRMO at Tourism Office.

KRUS NA PARANG ABRA DE ILOG
Isang misa ang idinaos sa Krus Na Parang Lunes Santo ng umaga. Kuha ni Laicka Implamado. March 29, 2021.

May nakaantabay din na limang (5) Medical And Quick Response Team (MQRT) sa mga ‘identified strategic locations’ sa kahabaan ng Stations Of The Cross. Sa kabuuan ay nasa dalawampu’t lima (25) ang miyembro ng MQRT, kasama na ang porters.

Maliban dito, naroon din ang presensya ng mga pulis at sundalo na magsasagawa naman ng checkpoint sa mga daan patungo ng Krus Na Parang at sa itaas ng bundok.

Dagdag pa ni ADI – MDRRMO Geof Panganiban, ang pagbubukas ng Krus Na Parangy ay hudyat na rin na kanilang unti-unting pagbubukas ng iba pang tourist destinations sa bayan ng Abra de Ilog.

Samantala, Lunes ng umaga, March 29, ay isang misang ang idinaos sa Krus Na Parang kasama si Mayor Eric Constantino. Ito ay bilang pasasalamat at paghiling para patuloy na mapangalagaan ang bayan ng Abra de Ilog at buong lalawigan ng Occidental Mindoro laban sa Covid-19.

Ilang larawan din ang na-publish sa social media na nagpapakita ng ilang residente sa kalye na nagsasagawa ng ‘penitensya’.

KRUS NA PARANG ABRA DE ILOG
Larawan ng mga nagpi-penitensya sa bayan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Kuha ni Jhonel Zapata. March 2021.

KRUS NA PARANG FEATURES AROUND THE WEB:

Para sa iba pang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa AERO – Abra De Ilog Emergency Response Operation Facebook page.

Source: ADI – MDRRMO Geof Panganiban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.