Kap. Reden Perez: Flood control project, almost 100% complete na

Ayon kay Calintaan ABC President Kap. Reden Perez, almost 100% complete na ang flood control project sa Brgy. Tanyag Section.

INSIDE STORIES:

Aniya, ang area na ito ang pangunahing dinadaanan papasok ng Brgy. Tanyag ng baha kapag tumataas ang tubig sa Lumintao River lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Dagdag pa ni Kap. Reden Perez, sa pamamagitan ng nasabing proyekto, kahit papaano ay mapoprotektahan ang mga sakahan mula sa baha na mahigpit na nagdudulot ng pagkalugi sa kanilang magsasaka, bukod pa ang pagkasira ng mga bahay at iba pang ari-arian ng mga residente.

RELATED POSTS ON CALINTAAN FLOOD CONTROL PROJECTS:

Nagpapaabot siya ng pasasalamat sa mamamayan na silang pinagmumulan at nagbabayad ng buwis na siya namang ibinababa ng gobyerno para magamit sa katulad na proyekto.

Mayroon pang flood control project sa ibang section ang patuloy at kasalukuyang ginagawa isinasagawa sa bayan ng Calintaan na bunga din ng kanyang pagpupunyagi at koordinasyon sa iba’t ibang national government agencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.