Jueteng sa Occidental Mindoro

Jueteng ang naging usapin sa social media ang sinasabing muling pagkakaroon ng illegal na jueteng sa Probinsya ng Occidental Mindoro, partikular sa bayan ng Sablayan.

Sa ilang posts sa mga Facebook groups, iba’t ibang presentasyon at anggulo nito ang ipinakita ng mga netizens. Mayroong nag-uugnay sa pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan, at mayroon ding  nagtatanggol sa huli.

Maging ang isang tabloid ay nagsabi na “TALAMAK” ang ito sa lalawigan.

FROM THE INSIDE:

Sa gitna ng usaping ito, agad namang naglabas ng direktiba si Cong. Josephine Ramirez – Sato na inaatasan si PNP Provincial Director P/COL Joseph B. Bayan.

“Apprehend any and all operators and stop the operation of JUETENG and other illegal numbers  game in the province of Occidental Mindoro”.

jueteng sa occidental mindoro 2 cong josephine ramirez sato

Dagdag pa ni Cong. Sato, “halos dalawang dekada nang jueteng-free and OKSI”.

Sa report naman ng REMATE kahapon, Oktubre 11, Biyernes, sinasabi na “kinukunsinti umano ni PCOL Bayan”  ang pagdawit ng mga iligalista sa pangalan ni PNP Chief Albayalde at Davao Group sa illegal na number game sa Occidental Mindoro.

Base ito sa kanilang source na isang opisyal ng Sangguniang Panlalawigan ng Oksi na nagsabing “Malakas ang kutob ko na may basbas ni Gobernador, sa pakikipagsabwatan sa lokal na pulisya, ang talamak na namang jueteng dito sa aming lugar..”

Samantala, naging sentro ng mga posts ang masugid na supporter ni Gov. Ed Gadiano na si Katrina Harold. Sa post ni Harold, tinanong nya si Gov. Gadiano tungkol sa pamamayagpag nito sa Sablayan. Sagot naman daw ni Gov. Gadiano, area of responsibility ng Sablayan ang lugar kung sinasabing mayroong jueteng kung kayat sila rin ang kainakailangan rumesolba ng isyu.

Isa ring netizen ang nagtanong kay Katrina Harold kung ito ba ang sinasbi niyang “pagbabaho” ng Occidental Mindoro.

Narito ang naging reaksyon ng netizens tungkol sa isyu.

JUETENG
JUETENG
JUETENG
JUETENG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.