COVID19: Cong. Josephine Sato, nakipag-usap sa Red Cross para sa mass testing sa Oksi

Nakipag-usap na si Cong. Josephine Sato kay Red Cross National Chairman Sen. Richard Gordon para posibilidad na pagsasagawa ng mass testing kontra Covid-19 sa Occidental Mindoro.

Ito ang kanyang naging pahayag sa panayam na isinagawa ng The Bay 99.3 FM, Biyernes ng umaga, May 1. Ayon pa kay Cong. Josephine Sato, “Gyera na nga po ito eh”.

FROM THE INSIDE:

Dagdag pa ni Cong. Sato. base na rin sa kanyang pakikipag-usap ay Sen. Richard Gordon, kinakailangan na ma-test ang at least 13% ng populasyon ng Occidental Mindoro para madetermina kung gaano kalaganap ang Covid-19 sa lalawigan.

JOSEPHINE SATO PUNTO MINDORO

Ganun pa man, hindi ito libre dahil kailangan magbayad ng P3,500.00 sa bawat test na isasagawa.

Isa sa mga requirement upang magsagawa ng mass testing ay pagkakaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga LGUs at Red Cross. Sa bagay na ito, humingi na siya ng kopya ng Memorandum of Agreement upang mapapirma ang mga Municipal Mayors sa Occidental Mindoro.

JOSEPHINE SATO PUNTO MINDORO

Para pa rin mabigyang daan ito, nagsasama-sama na ng pondo ang mga LGU at si Cong. Josephine Sato ng kabuuang P3 milyon bilang paunang bayad sa Red Cross.

Kindly SUBSCRIBE with our Youtube channel for more video updates.

Wala pang ibinigay na impormasyon kung kailan magsisimula ang mass testing o kung opisyal nang epektibo ang Memorandum of Agreement para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.