Info concealment sa Oksi COVID-19?

Mayroon bang info concealment na nangyayari patungkol sa estado ng COVID-19 sa Oksi?

Dahil sa nakakaalarmang balita, hindi nag-atubili si Bokal Bing Fajardo na itanong kung dapat bang ipaalam sa publiko ang detalye ng mga kaganapan tungkol sa pagkamatay ng nasabing PUI ng Occidental Mindoro.

Aniya, kung ilalabas ang impormasyon, maaring maging dahilan pa ito upang higit pang maging maingat ang mga tao sa pangangalaga ng kanilang kalusugan upang hindi mahawahan ng COVID-19.

INFO CONCEALMENT

FROM THE INSIDE:

“Yun pong detail ng death natin kagabi, hindi po ba dapat ay nadi-divulge para magkaroon ng mas na pangangalaga doon sa area na yon? At tsak yun pong history.

Sa pagkakaalam ko po ay mayroong naging isang contact sa isang COVID positive.

Hindi naman siguro ito parang HIV na kailangang itago natin yung details. Kasi para magkaroon po ng awareness. Lalong mag-ingay iyung mga nandodoon sa vicinity.”

Sagot ni Occidental Mindoro Provincial Health Officer Dra. Teresa Tan, wala umanong info concealment na nangyayari pagdating sa impormasyon ng namatay na PUI.

“We are not concealing the history of the patient. Actually po I have announced this to, informed the Governor and the PA, informed our staff, and just to inform you, after this, mag-o-official statement na po kami.”

INFO CONCEALMENT
Official statement ng PGO Occidental Mindoro tungkol sa PUI na namatay.

Samantala, sa pagtatapos ng unang bahagi ng pagsisiwalat ni Dra. Tan tungkol sa detalye ng pagkamatay ng pasyente, ipinatigil ang Facebook Live Coverage na isinasagawa ni Jhong Largado ng The Bay 99.3 FM sa Mamburao.

Masyado umanong sensitibo ang mga impormasyong inilalahad ni Dra. Tan na maaring magresulta ng panic sa mga taga Occidental Mindoro.

Wala na rin nagawa si Largado ay umalis nang tuluyan palabas ng Session Hall.

Ito ang pangalawang pagkakataon na ipinatigil ang Facebook live coverage ng local media ng isang pagpupulong. Una ay noong Provincial Peace and Order Council na ginanap sa Capitol Training Center noong March 18. Pero sa pagkakataong iyon, naiintindihan ng lahat ang pagpapatigil dahil mahahagip ng live coverage ang presentasyon ng militar tungkol sa estado ng insurgency sa Occidental Mindoro.

Samantala, mapapansin din na nagsimula lamang maglabas ng detalye tungkol sa bilang PUM at PUI sa ang Kapitolyo noon lamang March 17.

Ay matapos ang mahigpit nang panawagan ang publiko para sa impormasyon tungkol sa estado ng COVID-19 sa probinsya, lalo pa’t nagkaroon na ng mga posibitibong kaso ng corona virus ang Batangas.

Sa pamamagitan ng infographics na inilalabas ng Facebook page na PGO Occidental Mindoro, nabibigyang kaalaman ang probinsya kung saang munisipalidad naroroon ang mga PUI at PUM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.